DIMONYONG PAYASO

Mga Munting Kwento Ni PUNKASAR

Get cool stuff at BlingPixie.com

Friday, April 25, 2008

ZONROX



Madilim ang aking mudong kinalalagya, wala akong Makita pero Meron akong mga kasama tinig ng boses lng nila ang aking naririnig ni hindi ako nga sila kakilala eh. Pagala gala lang ako sa aming mundo,kong sana mapadpad dun lang ako. Para kaming preso sa loob ng selda katorse. Magulo, siksikan na pang sardinas pero paminsan minsan nakakakita din naman kami ng liwanag, ang liwanag na un ay ang aming bathala. Bathalang maglalabas saamin dito sa madilim na mundong ito. Pero ang liwanag na un ay delekado, once daw na makarating sa liwanag na iyon. Isa lng daw saamin ang mabubuhay, karaniwan dito ay agad namamatay. Kaya lahat kami ay natatakot pero disidido kaming makalabas lahat dito.

Isang gabi. Kc ala namang araw dun eh kaya gabi…. Habang ako’y lumilipad patungo kung san man mapadpad eh biglang bumukas ang liwanag naming inaasam ang bathalang saamin ay magliligtas sa kadilaman sa mundong ito.

"Mga kasama bumubukas na ang liwanag ni bathala!!!" Sigaw ng isa kong tropa… oo nga!!! Maghanda na kayo at aalis a tayo sa taenang mundong ito… SUGOOOOODDD!!!!!!!!!

Sa sobrang dami naming nagkakabunguan kami, nagkakasakitan,nagsisigawan para bang stampede taena (parang wowowee lang ah…) ngayon sobrang layo ko pa sa liwanag parang ang layo eh monumento hanggang baklaran… layo noh? Hihih. Aking napansin na unti unting nawawala ang liwanag na iyon at biglang bumagal ang aking pagtakbo tila ba nawalan ako ang pag-asa na nabuhay…. (so sad) at bilang lumapit sakin ang dalawa kung tropa at sabing “chong wag kang malawan ng pag-asa marami pang panahon makakalabas ka rin dito” at sabi ko “salamat mga tol kahit hindi ko kayo nakikita alam ko matitino kayo..”

Gusto nyo ba kung ano ang nangyari dun sa mga nakalabas???? Eto…

Yan ung nangyari hihihih ayon namatay din sila….

Pero sa panglawang pakakataon muling nagbukas ang liwanag ni bathala sa ilang minuto lang at aming natatanaw ang isang malaking bola, ayon daw ang aming pag-asa na mabuhay at nakaalis dito sa mundong ito.

Dalidali akong tumakbo patungo sa liwanag, mabangga na kung sino mababangga, tamaan na kung sino tatamaan basta ako gusto ko nang lumabas… bagamat ako'y nahihirapan makarating sa liwanag, sa sobrang dami nanim eh lumapit ulit ang dalawa kong tropa at sabing…..


Laking pasasalamat ko sa dalawa kong tropa kahit “KUKUPALPUPAL” sila eh my malasakid din pala sila sakin…

At sa sobrang pamamadali ako, ako na pala ang nauuna. napaka-aksyon ang nangyayari para bang pelikula sa sine na kung saan ang bida lagi ang nauuna nyahaha…at ng...

Papalapit ng palait

Nang papalapit ako sa bola kung saan maaari kaming mabuhay.

hanggang sa...

Dumating ang araw na aking hinihintay kahit walang araw.. ang makalabas sa mundong ayaw nanaming balikan…

Eto ung adventure ko sa mundong aking kinagisnan ,

Mundo na ayaw nanaming balikan….

Ikw? Ganito rin ba sa mundo mo? Puno ba to ng aksyon?

Ngayon pagpalagay na lang natin na, nakwento ko toh nung naglalaba ako ng puting damit ko na ginagamitan ko ng ZONROX…..ox na ox db? NYAHAHAHA COMMENT NMAN…


Wednesday, April 23, 2008

"KARET"

Mahaba-haba na rin ang aking nalakad, parang alay lakad papuntang antipolo. Marami na rin akong nakilalang halos panget ang pinapakita, kung sino sino na rin ang aking napatawa kahit mga korning jokes nangingiti parin sila, tawag nga nila sa akin dimonyong payaso, payasong kayang magpatawa ng tao, kayang baguhin ang mood mo gamit ang mga simpleng paraan ko, payasong kayang itago ang lahat ng problema nya, pinapakita sa lahat ng mga nakapaligid na ok sya. Pero sa likod nito. gustong gusto ko nang magbago, gustong gusto ko nang pakawalan ang dimonyo sa katawan ko. Ang tinutokoy ko ay ang puso ko, puso kong dimonyo na kung magmahal eh masama na. Makakagawa ng masama para sa pagmamahal. Mali to eh kaya gustong gusto ko nang ibigay ang puso ko. pero kanino? Baka pag binigay ko ang demonyong puso ko, babait ako at ibang payaso na ang inyong makikilala.

Ngayon sa aking paglalakad mayron akong nakita at nakilala. Anghel na bumaba sa lupa. Maganda sya at may maamong mukha. Medyo payat pero sexy tingnan. Mukha syang rakista at sigurado akong malinis sya. Magkakasundo kami dahil alam kong gustong gusto nyang tumatawa at higit sa lahat may iba syang katangian na hindi ko pa nakikita.

Sinabayan nya ako sa aking paglalakbay, napapagod sya pero ayos lang naman daw. di ko sinasadyang naiaalay ko na ang dimonyo sa aking katawan na inakala ko na nararamdaman ng anghel. Pero sa tuwing kasama ko sya… ang dimonyo ay talagang nawawala.. hindi ko alam kung kinukuha nya. Kaya isang araw niregalo ko nalang sa kanya para makasigurado. Nakabalot pa sa isang papel na kulay pula at may lasong kulay berde. Tinanggap naman nya at nagulat pagkabukas nya. Masaya sya sa nakita, at mas nasiyahan ako dahil ngayon, magiging mabait na ang payaso.

Dumarating ang araw na nag-aastang kaming bata at nauuwi sa away, mga araw na puro salita na imbento para makalusot sa problema, mga bangayang walang kasawaan na nakakapagpadugo na ng tenga, pero kahit kasalanan pa nya, ayoko syang malungkot at masaktan, nasa kanya na ang puso ko at parehas ko silang aalagaan. (magmukhang tanga, ayos lang, mahal kita).

Sa unang taon naming pagsasama, sumugal na rin kami ng maraming luha, pinamalas ko na ring ang maraming tuwa… pero parang hindi ko parin maramdaman ang pagmamahal ng anghel. Gusto ko xang kausapin pero pano?. Ni hindi ko nga alam kung papano ko sasabihin ang nasa isip ko. Tumitig ako sa kanya at unti unti akong lumalapit sabay hawak sa kamay ng anghel at sabi sa kanya “mahal parin kita kahit mahal mo sya…” (taena nman gumaganun pa) ramdam kong mahal parin nya ung isa (lalakeng anghel). Sa simula pa lang alam kong panakip butas na ako, at inuto ang sarili ko na mamahalin din nya ako na ayoko naman ipaalam ito. Gusto kong ipakitang matatag at nandito ako lagi sa tabi nya. (magmukhang tanga. Ayus lang. mahal na mahal kita).

Sabi nya sakin “mahal kita pero HINDI PA ito higit na pagmamahal” (ouch!) Napatitig nalang ako sa maamo nyang mata, at unti unti akong yumuko dahil alam kong di ko mapipigilan ang pagpatak ng luha. Napansin ng anghel ang madugong luha, dalidali ko syang inuto “taena wala to gasino lang eh ” sabay tawa na peke. Matapos ang eksenang iyon, ako ay nagpaalam nang umuwi. Habang nasa byahe patungong impyerno para bisitahin ang mga kamag-anak ko, na-badtrip ako sa katabi ko na may masangsang na amoy na hindi na yata kaya ng kahit anung hilod. Napasabi nalang ako ng “panira ng momentum, nag-momoment(emote) ako eh”.

Pag dating ko sa bahay na badtrip pa rin na parang tumambay ung amoy ni manong Tanda sa ilong ko… agad akong pumasok sa kwarto ko at sinubukang matulog sandali. Ang buong pagmamahal at atensyon ng anghel para sa akin ay di mawala-wala sa aking isip kaya akala ko makakatulog ako. At un na nga nakaisip n rin ako sawakas kahit wala naman talagang dapat pagisipan. pero isasakripisyo ko lahat ng aking pagmamahal sakin nya… ipaparamdam ko sa kanya kong gaano ko sya kamahal…

Sa paglipas ng dalawang taon naiparamdanm ko na sa anghel ang buo kong pagmamahal at pinakita ko kung sino ako. na inakala ko na natanggap nya na ako. pero ang lahat ng ito ay nabaliwala. ang anghel ay biglang nagbago... may nagawa ba akong hindi tama? nawala ung dating pakpak nakay usbong. Inalagaan ko naman sya ah. Nadumihan narin ung puting damit nya na suot. Pinag lalaba ko sya, pinag plaplantsa pa. akala ko noon makakasama ko sya sa dulo ng aming paglalakbay at mailibot sya sa lahat ng pwedeng mapuntahan kaso sinabi ko wala pa kami sa kalagitnaan… at bigla nalang nya kong iniwan.

Unti unti ko na ring binabawi ang dimonyo sa katawan ko na binigay ko ng walang alinlangan. hanggang sa naging dimonyong payaso ulit ako… pero sa pagbawi ko ng dimonyo sa katawan ko naiwan sakin ang karet ni kamatayan na nakatusok sa gitna ng dibdib ko. Pero tuloy parin ako sa aking paglalakad hanggang sa napagod ako at napatigil sa dahilang hindi ko alam. Naupo ako sa bato habang umiinom ng tubig na mahiwaga na maya maya’y ikinahilo ko. Matagal tagal din ako naupo at nagpahinga, napabasa ako ng bibliya sa unang pagkakataon para lang makalimutan ang anghel na nangiwan sakin at epektibo naman, unti unti ko na syang nakakalimutan, masakit man pero kylangan, kung hindi ko gagawin, lalo lang akong mahihirapan.

Sa aking pagpapahinga, dama ko parin kahit papano ang sugat na natamo sa karit ni kamatayan. Nakakagulat at napalingon ako sa dakong paroon at may naaninagan akong liwanag. Liwanag na hindi ko man lang maipaliwanag, makislap, kumukutitap, ang masakit sa mata pero nakakaadik pagmasdan. Hindi ko talaga maipaliwanag eh. Pinuntahan ko ung liwanag, isang babaeng nilalang ang aking nakita… sabi ko “parang namumukaan ko sya. Parang minsan nakasama ko na sya sa sayaw ni kamatayan… tama nga ako sya ung nilalang na nakilala ko na dati pa, nung una kaway ko sya pero hindi nagtagal nakasundo ko na rin sya. Tama! Sya lang ung ABNOY na nilalang na madali kong nakasundo, ung tipong sa lahat ang trip marami syang lakas ng loob. Hindi sya normal kaya iba nalang talaga ang tama ko sa kanya.

Nang maaninag ang kanyang mukha, unti unting nawala ang sugat sa akin dibdib. Para bang dahan dahan nya binubunot ang karet ni kamatayan. At para bang unti unti nyang tinahi ang sugat ko sa dibdib gamit ang sinulid na kasing kapal ng sintas ng sapatos. Nasabi ko tuloy sa isip ko na “hoy ABNOY ka! nahuhulog ka na ata?!”

Habang tumatagal, hindi ko napapansing lapit na ko ng lapit sa kanya at binibigay ko na ang dimonyo sa katawan ko ng di nya namamalayan. Sinubukan kong ialok ang aking dimonyo. Ngunit tinawanan lang nya ako (ABNOY NGA!) pero napansin ko na may saksak din sya ng karet ni kamatayan. Sabi ko (susubukan kong alisin ito sa puso mo at tatabihan ko ng mas matibay at mas mapagmahal na puso. Tatabihan ko. Pangako.)

Sa ngayon nasakanya na ung demonyo sa katawan ko at wala na kong balak pang kunin ito kahit ano pang mangyari.

ABNOY nman turing nang iba sa kanya. Pero ang payaso, nagmamahal ng matindi sa kanya. (aLHUM na!!!)