DIMONYONG PAYASO

Mga Munting Kwento Ni PUNKASAR

Get cool stuff at BlingPixie.com

Wednesday, May 14, 2008

MENSAHE DE LETCHE

MERON AKONG KWENTONG PARA SA INYO'Y WALANG KWENTA TUNGKOL SA HINDI KO MAINTINDIHAN, SA MAGULONG USAPAN AT HINDI PAKAKAUNAWAAN?

ISANG TANUNG LANG "HINDI BA PWEDE?



SI BABAE: MR L
Matagal ko tong pinag-isipan.
Pasensya kana sakin.
Mahal kita…
Oo mahal kita pero kelangan kong tapusin ang obligasyon ko sayu bilang gf mo.
Mahal kita… pero hindi pa napapanahon na mag isip ako ng mga bagay bagay.
Ngayon ko lang narealize ang mga sinasabi sakin ng mga nagmamahal sakin, ang pamilya at ang mga kaybigan noon. Na hindi ko pa kelangan ng karelasyon. Na magrerelasyon lang ako kapag balak ko ng magpakasal. Pero hindi eh… hindi pa pala.
Pasensya kana. Alam ko kung gano mo ko kamahal.
Mahal na mahal mo ko diba…
Maiintindihan mo ko.
Masaya naman ako ngayon. Saktong saya na nakukuntento ako.
Maraming signs narin ang ibinigay sakin na may mga dapat akong paglaanan ng oras ko.
Ang pag-aaral, pamilya lalo na ang nanay ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang inako sakin… kelangan sundin ko muna sya. Pasiyahin at tulungan.
Oo mahirap para sayu.
Kaya mas nahihirapan ka kasi umaasa ka… nag e expect ka.
Hindi mo ko nabigyan ng panahon para maibigay sayu ang dapat.
Nastress ako noon… nataranta sa dapat kong gawin.
Hindi mo ko naintindihan…
Uulitin ko. mahal kita… pero may mas tumitimbang na mga bagay sa buhay ko ngayon.
Ayoko munang pahirapan ang sarili ko.
Maipapangako ko namang hindi ako mag kakarelasyon sa kahit na sinong tao. Mapababae o bading pa yan.
Pahinga muna ang puso at utak ko.
Ang dapat ko lang gawin ay ang mag-aral ng mabuti at maging mabuting anak sa paraang hindi sila susuwayin.
Mahaba pa naman ang panahon.
Nandito lang naman ako.
Tutulungan kita kung kelangan.
Hindi naman ako mawawala.
Kung may pagkakataon eh magkikita pa tayu at mag-uusap.
Ayoko lang talaga ng obligasyon (sa ngayon).
Ps: napagisipan ko na toh at hindi na magbabago disiyon ko.
Masaya ako ngayon at kuntento sa kung ano meron ako.
Maraming salamat sayu.
“tanga lang talaga ako… kung sino ang nagmamahal ng tunay, un pa ang iniiwasan ko… pero panahon eh… panahon at sitwasyon ang nag bibigay dahilan sa mga disisyon ko… sobrang pasensya na…”
Nandito lang naman ako.
Aayusin ko lang ang lahat na dapat kong ayusin…
Maayos din ang lahat.
ayusin mo sarili mo.
subukan mong may patunayan sa sarili mo hindi lang sakin. umayos ka plss! alam mo ang mag papalungkot sakin. mhuah...
Sobrang sorry.
Mahal kita…
Intindihin mo…


sagot naman nilalake na parang galit na galit sa mundo

lalake: mahal na mahal kita
sabi na nga ba eh eto ung bubungad sakin pagnabasa ko tong mssge mo eh... ang sarap basahin PB ang sarap... taena ako kilala mo akong tao hnd ko bsta bsta iiyakan ung taong mahal ko pero ikaw TANGINA BILIB AKO SAU NAGAWA MO tagumpas ka PB panalo!... taas kamay ko sau AT SALUDO PA KAMO...
tangina eto lng pala papel ko sa mundo ang masaktan, putanginang buhay toh oh... yaan mo PB hnd ko hinihingi AWA mo ngaun ah GALIT NA GALIT LANG AKO SA SARILI KO PUTANGINA KO....
hnd mo ba akong pwdng isabay sa mga magulang at pag-aaral mo? hindi ba ako importante sau? taena halos isang buwan akong mabaliw kakaisip sau kung ok ka ba? kung kumakain ka ba? o kung anu man ung ginagawa mo? taena PB kilala mo ako... minahal kita dahil ginusto ko hindi dahil mahal lng kita, SANA SINABI NO NA NOON PA, NOON PA NA MHAL LNG KITA... tangina naman eh... hindi ba ako pwding sumama sa mga mahahalaga sau?
PUTA SAGUTIN MO KO TANG INGA NABABALIW NA KO!!!
WOW TANGINA ANG SARAP-SARAP MASAKTAN "TIKMAN MO ANG SARAP D2..."



at dyan nagtatapos ang walang kwentang tagpong ito.........................

Tuesday, May 13, 2008

"sing sing"


Bakit ganun? kaya mong isakripisyo at mangako kahit ano sa taong mahal mo kahit alam mong makakasama ito sayo o ikakasira mo sa maraming tao…



Ako si Emil, lumaki ako sa magulo at masalimuot ng lugar, dito sa tundo, bata palang ako eh hindi ko na kinagisnan ang pagmamahal ang aking magulang, ang tatay ko namatay dahil sa trouble sa kabilang kanto, ang nanay ko naman eh japayuki nagpapaka-pokpok sa mga hapon para lang maiahon ung sarili nya sa kahirapan, “eh pano na ako? Parang wala syang anak na naiwan dito sa magulong mundo na to ah”

Lumaki ako sa hampadan ng bote, paluan ng dos por dos , sak-sakan ng balisong at isang kalabi ng gatilyo at napasok ko na rin ang mundo ng mahiwagang bato at damo. Hindi ko alam kung bakit ko pinasok tong buhay kong to, eh dito rin ako nabubuhay eh kahit alam kong dilekado rin buhay ko,binabayaran nila ako para sa isang gulo ika nga nila eh trouble maker ako, pero wala akong paki sa kanila eh kung dito ako nabubuhay eh.

Minsan umuwi ako sa bahay galing sa isang away, buguan,iikaika maglakad, may saksak sa kaliwang tadyang bahid ng sakit ang aking buong katawan, at habang papalapti sa bintuan natanaw ako agad na may tao sa bahay ko “sino ung putang ina nun?” at dali dali akong pumasok at bumunot ng balisong at sabay sigaw ng “HOY TARANTADO KA AH BAKIT KA NASA BAHAY KO?, MAGNANAKAW KA NO?” at ng lumingon ung tao… agad ako natulala, na hindi ko man lang nararamdaman ung asero na kinakalawangna tumusok sakin kanina, ng bigala kong nasilayan ang kanyang mukha agad kong nabitawan ung balisong sabay tulo ng luha at sabay sabing “NAY?”

Lumatap si nanay at yayakapin ako…

Nay: anak (humahagulgul sa pag-iyak)

Emil: bitawan mo ako, sino ka ba? (pa-galit na sinabi.)

Nay: anak bumalik ako para kunin ka na para nagsama na tayo..

Emil: para san pa, para gawin din akong pokpok na katulad nyo, nay ilang taon akong namuhay nag-isa, baka nakakalimutan nyo na pitong taon palang ako nung iniwan nyo, eh langya bente dos na ako, tapus sasabihin nyo anak nyo ko “what the F” (iskwater yan…)

Nay: anak patawari mo nagawa ko sa mga nagawa ko sayo, napapadala naman ako ng pera para sayo ah, para sa pag=aaral mo,binilin ko sa mga kamag-anak natin.

Emil: alin ung mga kamag-anak natin? Kamag-anak natin na naglulumpasay sa pera na pinapadala nyo. Alam nyo bang kung san napupunta ung pera nyo? Dun sa mga walang kwenta akong Mga pinsan na nadalas eh sinasabihan pa ako na magnanakaw. Para sa pag-aaral ko? Oo nag-aral nga ako tangina 2nd yr high school…? At ung perang yon galling sa droga… hindi sa pera nyo…!

At umamba sa sampal ang nanay nya

Emil: sige ituloy nyo!!!, nang tuluyang kong itangi ng INA ko kya, SIGE ITULOY MO!!!! (galit at umiyak na sinabi)

Matapos ang eksenang yon na mainit pa sa kumukulong tubig sa kasirola. Eh hindi na nag-atubiling lumayas si emil na hindi man lang iniinda ung saksak sa tadyang, hanggang sa napadpad sya sa hindi alam na lugar at dun nawalan sya ng malay sa isang pabrika ng chocolate (wow sarap chocolate hehehe) dun na sya inumaga

At dun may nakakita sa kanya, isang babae na manager ng pabrika at agad syang tumawag ng tulong at diniretsyo sa sa hindi kilalang hospital…

At ng nagkamalay si emil agad nyang tinanung kung nasan sya, agad sumagot si manager.

Manager: nasa hospital ka emil

Laking gulat ni emil nung tinawag ang kanyang pangalan ng babaeng manager

Emil: ikaw!?

Manager: oo emil ako nga, ako ung tinulungan mo kagabi, kung hindi dahil sau eh malamang pinagfie-fiestahan na ako nung mga manyakis na un… kaya maraming salamat sau, utang ko ang buhay ko… ako nga pala si hanny

Pinilit tumayo ni emil at agad pinigilan ni hanny “hindi mo pa kaya yaan mo muna makapagpahinga ka at magpagaling at sa pag-galing mo may naghihintay ng trabaho sau…” hindi na nagsalita si emil at agad humiga at nagpahinga…

Makalipas ng ilang buwan magaling na ako at nagtatrabaho na ako sa pabrika nila hanny at hindi ko namayaan na nagkakamabutihan na pala kami ni hanny, hindi ko rin maiwasan na mapa-away sa kapwa ko katarbaho… ginagawa nila akong alila eh pantay-pantay namang kaming mga mang-gagawa lang. “eh hindi porket bago ako dito eh kakayan-kayanin nyo ko”

At sempre ung gulo na ginawa ko eh makakarating sa boss ko (manager ng pabrika) na unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya, eh pano laki ako sa magulo at masalimuot na lugar at sya naman laki sa marangyang pamilya, hindi kami bagay langit sya lupa ako…

At ng makarating sa boss ko eh hindi ako pinagalita bagkos pinagsabihan lang ako “emil naman iwas-iwasan mo man ang gulo, sagot ko tamang tango lang (bastos noh?)

Ang hindi ko alam eh may pagtingin na sakin ang boss ko…

At nga gabing un, pagkatapos ng trabaho, habang papauwi ako sa bahay eh tinawag ako ng boss ko at sabing…

Hanny: emil… hindi ko alam kung pano ko sasabihin sau ito… mahal kita…

Emil: mahal? Alam mo ba ung pinagsasasabi mo eh ni hindi mo nga ako kilala ng lubos eh tapos sasabihin mo mahal mo ako? (pinipigilan ung mararamdaman)

Hanny: alam ko, nararamdaman ko, mahal mo rin ako…

Hindi na nagsalita si emil at tinalikuran na lang si hanny at habang nakatalikod, pabulong na sinabi “mahal din kita hanny” sabay takbo…

Makalipas ng ilang buwan, si emil naman ang naglakas loob na magtapat ng pag-ibig kay hanny ay hindi sya nabigo, umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa hangang sa…

Emil: hanny mahal mo ba ako?

Hanny: anung klasing tanong yan? Sempre naman OO

Emil: kung mahal mo ako ipapakilala mo ako sa magulang mo?

Hanny: hindi ganon kadali un emil, alam mo naman na istrikto pamilya ko?

Emil: kung mahal mo ako ipaglalaban mo ako…

Hanny: sige emil ipapakilala kita sa kanila (yakap-yakap si emil)

Kinabukasan,pusturang pustura ang panonood ni emil at mukang handa na sa mangyayari… at ng makarating sa bahay ng babae.. eh hindi na nag-atubiling ipakilala si emil, nagalit ang tatay ni hanny ng malaman na isang trabahador lang sa pabrika nila ang inibig ni hanny, sinubukan ni hanny na ipaglaban si emil at hindi ito nagtagumpay,nagsalita na rin si emil na mahal na mahal nya si hanny, pero pinalayas lang sya…

Pagkauwi sa bahay agad naglasing si emil sa sama ng loob, at nadatnan sya ng nanay niya,

Nay: anak? bakit?

Emil: inay bumalik ka ba dito para sakin o dahil wala ka ng trabaho? (seryoso na sinabi ni emilhabang umiinom)

Nay: anak walang sino mang ina na hindi natitiis ang anak… kung alam mo lang ang hirap na dinanas ko dun nakapiling lang kita anak (umiiya na sinabi habang nakiinom ng alak) lahat ng ginagawa ko eh para sayo, kung alam ko lang na sakanilang bulsa pala napupunta ung pera eh di sana hindi ka nagkaganyan…

At maya maya pa’y niyakap ni emil ang ina ay sabay sabing…

Emil: nay… ang sakit, ang sakit sakit, alam ko na alam nyo na matapang ako hindi ko iniinda ung mga suntok, sipak, palo at mga saksak sa katawan ko, pero nay ibang sakit ang nararamdaman ko ngayon ang mawalay sa minamahal mo…

Nay: naiintindihan kita anak, naiintindihan kita…

Matapos ung araw na un, kinabukasan eh nagresign na si emil sa pinapasukan nya, nalaman ito ni hanny pinuntahan nya agad si emil sa bahay nila na daladala ang mga gamit nya na tila ba makikipag-tanan at dun kinausap nya ito

Hanny: emil alam ko labis kang nasaktan, pero andito ako, nagsusumamong patawarin mo, hindi ko man lang naipaglaban ung taong mahal na mahal ko… (cry,cry ang eksena)

Emil: wala ka dapat ihingi ng sorry ang mahalaga kasama kita…

Ilang taon ang lumipas, pinuntahan ni emil at hanny ang mansion at dun muling pinaglaban nila ang kanilang pag-iibigan… hindi sila nabigo natanggap na ng daddy ni henny ang kanilang pag-iibigan…

Pag-uwi sa bahay,

Emil: hanny? Malapit na ung anniversary natin ah, may rigalo ako sau…

Hanny: hindi ko kylangan ung matiryal na regalo ang mahalaga ay kasama na kita, ok na sakin ung magpakatino ka umiwas sa gulo at away, ayoko kasing nakikita na nasasaktan ka,

Emil: pangako mahal ko, pangako , gagawin ko lahat lahat hanggang sa ikaliligaya mo.

Hanny: salamat emil mahal na mahal kita…

At ng gabing yon lumabas si emil para bumila ng regalo… at biglang hinarang sya ng mga hindi kilalang armadong lalaki…

Tambay: henny si emil napaaway…

Hanny: HA! SAAN? Humingi ka agad ng tulong…

Agad pinuntahan ni hanny ang lugar kung saan napaaway si emil at sa dikalayuan eh patak ng dugo ng bumungad sa kanya, inakala ni henny na nakapatay si emil pero laking gulat nya ng sinungan nya ung patak ng dugo eh nakita nya na nakahilata si emil at duguon ang buong katawa… rumaragasang tumakbo si hanny papunta kay emil upang yakapin ito

Hanny: emil huhuhu bakit ngayon pa tanggap ko naman na mamamatay ka, sa katandaan o kaya sa sakit hindi ung ganito hindi to ung gusto kong regalo…

Emil: mahal ko (nakangit na sinabi at may dugo dugo pa ung ipin at naghahabol ng hinginga) nangako ako na hindi na ako makikipagaway, ito tinupad ko, hindi ako lumaban sa kanila, hindi ko hinayaan na makuha itong regalo ko sau…

Umiiyak si hanny sa mga sinabi nya at habang yakap yakap ni hanny si emil, eh dahan dahan ginalaw ni emil ang kanyang kamay papunta sa kamay ni hanny at dun na sya nalagutan ng hininga…

At lalong humagulgul si hanny ng malaman nya patay na si emil at nakita nya ang regalo na dapat ibibigay sa kanya sa anniversary nila, nang Makita nya sa sahig isang sing sing na bahid ng dugo at sa sahig ay may nakasulat na ”mahal kita” na isulat ito pamamagitan ng dugo ni emil…




Ikaw kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lng sa mahal mo? Kaya mo bang gawin lahat alang-ala lang sa kanya? Ipakita mo na kaya mo!, baka sa huli pagsisihan mo na hindi mo nagawa ung pangako mo…

Monday, May 12, 2008

"wala ka pala eh.................."

sa araw araw ng ginawa ng diyos, eh ung mukha nya na lang lagi kong tinitignan, para kahit papano eh ma-imagine ko na kasakasama ko sya kahit sa picture man lang mawala-wala ung inis ko hehehe kaya tamang puyat ako kakagawa nito pero satingin ko sulit naman eh... alam kong magugustuhan nya tong gawa ko (SANA?????)

Sunday, May 11, 2008

"LANDAS"


Isang kasabihan ang minsan ay narinig ko sa radyo – “ SA TAGUMPAT NG ANAK ANG AMA ANG PINUPURI, NGUNIT KAPAG ANG ANAK AY NALIHIS NG LANDAS, ANG INA ANG SINISISI.” Ewan ko kung ito’y totoo. Ang tanging masasabi ko ay walang magulang, ina man o ama, na nagnaisa na maligaw ng landas ang kanyang anak. alam ng sinumang responsableng magulang na katungkulan nyang itaguyod ang kinabukasan ng kanyang anak.

Sa kabilang dako, ano man ang katungkulang ng anak sa kanyang magulang? Isang bagay, lamang, at ito at ang kanyang pinagkukunan ng buhay. Ang pagsunod sa kagustuhan ng magulang lalo’t ikabubuti naman ng anak ay isang uri ng paggalang.

Subalit dumarating ang pagkakataong nagkakaroon ng tunggalian (conflict) ang magulang at ang anak. nangyayari ito kapag nagsimulang maghigpit ang magulang, at kapag natutong sumuway ang anak. ang ugat ang tunggaliang ito ay makikita sa malabong o hindi maliwanag na hangganan ng katungkulan ng makabilang panig sa isai’t isa.

Halimbawa, sa pagnanasa ng magulang na makatapos ang anak sa pag-aaral ay hihigpitan nya ito.(tama! Hehehe) walang barkada,walang parties, outing etc… kapag babae ang anak babawalan itong tumanggap ng bwisita sa bahay (hanggang ngayon nangyayati ito). May magulang pang ni ayaw pasalihin sa anumang organisasyon ang anak nagging ito ay cool para sa anak (hehehe pa-cool).

Ang anak naman, sa paniniwalang hindi makatwiran ang paghihigpit ng magulang, ay natututong sumuway. Ang katwiran nya ay basta ba nag-aaral syang mabuti. Ngunit ang minsang pagsuway nasusundan, hanggang sa natutuhan na rin ng anak na maglihim kundi man magsinungaling. Darating ang panahong magpapaalam sya sa “mommy, may fieldtrip (kuno) kami” ang totoo ay sasama sya sa trip ng barkada (pa-cool nga nyahahaha).

Ang pagsuway naman ng anak ay hindi nangangahulugan ayaw lamang nyang igalang ang kanyang magulang. Ayaw lamang nyang maging parang robot (cop ba ito?) na sunud-sunuran na lang palagi, sa sinasabi ng anak maski wala ito sa lugar ganito ang kadalasang himutok ng anak: “sobro na eh, lahat na lang ng gawin ko, mali. Bakit pa nila ‘ko pag-aaralin kung di rin lang ako makakapag disisyon para sa sarili ko? (drama ito…).

Katwiran laban sa katwiran. Para sa magulang ang kanyang paghihigpit sa anak ay pagmamahal.para naman sa anak, ang paghihipit sa kanya ay pagsikil sa kanyang karapatan. Ito ang isang halimbawa ng magandang hangarin (sa panig ng magulang) na masama ang epekto (sa panig ng anak). ang dahilan nito, gaya ng nabanggit na sa una, ay nag-uugat sa di maliwanag ng hangganan ng katungkulan ng magulang sa anak, at ng anak sa magulang.

Ang magulang ay hinuhubog ng pnahon, at maraming karanasan (karanasan hehehe iba ang naiisip ko…). Higit nyang nalalaman ang mga pasikut-sikot , paikut-ikot at mga paliku-liko ng buhay. Alam nya kung saan kanto may nakaambang panganib, kung saang lubak may nakaumang na panganib. Kung saang lubak may nakaambang patibong (ang lalim…). Mahal ng bawat magulang ang kanyang anak kaya natural!, ayaw nya itong masuot sa pasikut-sikot , paikut-ikot at mga paliku-liko ng buhay na magdadala rito sa mga panganib at patibong. Ngunit ang pagpapakita ng magulang ng pagmamahal sa anak sa ganitong paraan ay sobra. Nagiging O.A. sila (nyahahaha overacting). Kaya ang pagpapaalala na syang nararapat nyang gawin ay nagiging pagbabawal. Bawal ang ganito,bawal ang ganon (bawal magtapon dito ng basura, bawal umihi dito nyahahaha MMDA) sa mahal na anak. hindi naman sa ganito. Lalabas sa walang sariling bait ang anak. ito ay sinasabi kong hangganan sa katungkulan ng isang magulang. Katungkulan nyang patnubayan ang anak sa landas na tinutungo nito,ngunit ang kontrolin ang lahat ng galaw nito ay naiibang bagay.

Kung sa bagay, hindi nasisisi kung minsan ang magulang kung sila man maging labis na istrikto. Sila iminulat sa isang kultura na totoong mahigpit ang pagpapasunod. Kaya sinasabi nilang noong sila ay bata ay nakukuha sila sa tingin (kaya makuha ka sa tingin). Ngunit dapat na maunawaan ng magulang na ang panahon ay nagbabago, at isang bagay na epektibo noonng una ay hindi na aprubado sa kasalukayan.

Sapagkat O.A. ang patakaran ng magulang,ang reaksyon ng anak ay sobra din. Kaya kung ano ang ipagbabawal ng magulang ay sya namang gagawin ang anak. ito ang magpapasama lalo sa sitwasyon. Natututong magrebelde ang anak.

Sa paninigarilyo, halimbawa, ibabawal ito ng ama sa anak na lalake gayong nakikita sya ng anak na naninigarilyo. Sa halip na sundin ng anak ay lalong gagawin ang ipinagbabawal ng ama. Ang kakulangan dito ng ama ay hindi nya ipinaliliwanag sa anak na saka na ito manigarilyo kung may wastong hanapbuhay na ito.

Ang isang anak na babae naman (wow chix hihihi), lalo’t may hitsura, ay hindi maiiwasang sundan ng mga boylets sa school, malalaman ito ng kanyang magulang at sya ay pagbabawalan ng kung ano ano. Subalit ano ang magagawa ng pobreng dalagita kung may nakabuntot sa kanyang pag-uwi, na mabuti namang makipag-usap? Sa halip na maging bastos sya ay papaya na syang ihatid, ngunit hindi sa bahay, kundi “hanggang kanto na lang” dahil kakagalitan sya. (wawa naman hihihi)

Totoo, may lehitimong dahilan para suwayin ng anak ang kanyang magulang.ngunit hindi dapat tularan ng isang anak na Pilipino ang kaugalian ng kanluran, lalo na sa AMERICA na sa pagtungtong ng anak sa edad na 18 ay Malaya na ito at hindi na mapapakialaman ng kayang magulang.

Ang pag-iral ng tunggalian sa alin mang puwersa ay bunga ng kawalan ng komunikayon. Hindi nalalaman ng dalawang magkasalungat na panig ang damdamin ng kabila. Ganito rin sa anak – magulang. Katungkulan ng magulng na magtatag ng isang medium o tapat para sa malayang pag-uusap o komunikasyon ng kanyang mag-anak. sapagkat kung maganda ang komunikasyon ng magulang at anak, hindi na sila darating sa sitwasyong kaylangang mahigpit ang una sa huli.

Katungkulan ng magulang na itaguyod ang kinabukasan ng kanyang anak. bahagi ng katungkulang ito ang pag-unawa ng magulang sa damdamin at sa pangangailangan ng anak. saya ng barkada, ang pagdalo sa mga kasiyahan, ang pagliligaw. Hindi ito maaring ihiwalay ng magulang sa anak. bahagi ito sa pag-unlad ng isang binatilyo o dalagita (it’s a part of growing up ika nga). Totoong may naka-umang na panganib sa pakikipagbarkada, ngunit maari itong maiwasan sa wastong pag-iingat. Sa halip na bawalan ang anak na makipagbarkada at sapat nang paalalahanan ito ng magulang. Dapat tandaan ng isang magulang na ang kayang anak ay may sariling isip. Alam nito ang masama at mabuti. Hindi nya na kaylangang itago sa pag-aalalang maaring magkasakit kapag “nadapuan ng langaw”

ANG MABUTING ANAK AY MARUNONG SUMUNOD SA WASTONG PANGARAL NG KANYANG MAGULANG… PERO KYLANGAN PARI NATIN IWASTO ANG SARILI SA TAMA AT WAG SA MALI…

HAPPY MOTHERS DAY

Salamat khim sa idea…

Friday, May 9, 2008

"LOPEZ"


Siguro naman pansin nyo ung pagtaas ng mga bilihin at bayarin ngayon at nangunguna na dyan ay ang bill ng meralco na yan at ramdam nyo din na apektado tayong halat, kung hind ka apektado eh wala na akong pake-elam dun ,basta ako bwist na ako sa pagtaas ng bill ng kuryenteng yan, ni hindi na nga magkanda ugaga ung tita ko sa sobrang taas ng bill naming, hindi tuloy ako makahingi ng pera hehehe.

Kung sa bagay eh lahat na yata ay tumaas eh pati panty at bra yata hindi pinalagpas eh, pero sa pagtaas ng bilihin at mga bayarin, hindi natin maiiwasan na tayo rin mga kabataan ay na-aapektuhan, biruin mo sa atin pala pinapataw ung mga lugi nila sa kumpanya eh dapat sila ung umaksyon hindi ung satin binabawi ung mga nanakaw sa kanila tulad ng jumper ung mga nakaw na kuryente sa mga lugar na tago o dun sa mga taong makakapal ang mukha na nagnanakaw ng kuryente.

Ito ung mga kuntador ng kuryente na may jumper

biruin mo ung mga nakaw na ung eh sa bill pala natin napupunta at hindi nila pinuproblema un tayo ngayon ang namumublema… bakit ayaw ng meralco? na gumawa ng aksyon?, dun sa mga nagnanakaw ng kuryente, pati tayong mga sapat na nagbabayad ng buwin eh parang tayo pa ung talo.

Pano na ung mga taong walang kaya kundi sapat lang para sa pagkain nila pati sila damay sa mga unreasonable na sinasabi nila, eh hindi ba sila na-aawa sa mga tao, bakit ayaw nilang babaan ung bill ng kuryente eh kung tutuusin mas mayaman naman sila satin, mas may kaya sila satin eh hindi naman nila madadala ung ari-arian nila pag namatay sila…

Haynako… wala na bang iaasenso itong bansang to eh kahit saan mong sulok tignan eh puro kurakot na lang, ano ba ginagawa ng gubiyerno natin, petix?, eh sa panahon ngayon pera ang mas mahalaga, aminin man natin o hindi!. Kawawang juan dela cruz hindi na nakaahon sa putikan…

"ANG DATING NGAYON"


Dati sa tuwing nakikita kita, ako’y natutuwa.

Ngayon sa tuwing nakikita ka ako’y ilang na.

Dati amoy mo pa lang alam kong ikaw na.

Ngayon amoy mo’y ayoko na.

Dati sa tuwing kasama ka mundo ko’y tuwang tuwa

Ngayon kapag nandyan ka na mundo ko’y sukang suka

Dati lagi tayong magkasama sa kanto o sa bubong…

Ngayon ni ayaw ko nang lumapit sa amoy mong kabaong…

Dati mata ko’y chinito pa sayo

Ngayon namulat na ako at umalis sa tabi mo

Dati ikaw lang nakakaintindi sa problema ko

Ngayon ako na mismo haharap ng walang tulong mo..

Dati pinadama mo sakin lahat ay kaya kong gawin

Ngayon kahit wala ka alam kong kaya ko palang gawin…

Dati ikaw ang dahilan ng saya ng tropa ko

Ngayon wag kang mag-alala sila na lang wag na ako

Dati ayokong mawalay ka

Ngayon lumayo ka at wag nang babalik pa

Dati tumatawa ako ng walang dahilan

Ngayon sa pagtawa ko ako na mismo ang dahilan

Dati pinaka-asap mo sakin ang puno

Ngayon ayoka na pagkat ako sayo’y punong puno

Dati wala kong maririnig kahat sigaw

Ngayon alam ko na ang marijuana pala ay ikaw…

Wednesday, May 7, 2008

"PETIX"

Sa araw araw na ginawa ng diyos eh wala ka nang ginawa kundi tumambay,magyosi, uminom, magsugal,magbarkada, gumimik kung saan saan,mag-chat,mag-ineternet, manood ng porn,basa ng FHM, pinag-aaral ka nga pero petix ka lang tapos sa tuwing uutusan ka eh parang wala kang narinig, binabaliwala mo lang lahat ng sinanabi nila sayo at pag pinagalitan ka naman bigla ka na lang magrerebelda na para bang kaya mo na tumayo sa sarili mong paa, hindi ba tayo naaawa sa mga magulang natin? Sa sakripisyon na ginanawa nila satin maiahon lang tayo,maibigay lang ung luho natin sa katawan para sa ikaliligaya ng bawat isa satin, cell phone, magagarang damit, magagandang accessories at magandang kinabukasan. pero maisip mo na bang ang lahat ng ito ay galing sa dugo at pawis nila at sa pagsisikap nila satin, kulang na nga lang eh ang magnakaw sila para satin makamit lang nila ang gusto mo?

Pero ang gusto lang nila eh ang makatapos tayo ng pag-aaral, magkaron ng magandang kinabukasan at pagkatapus ng lahat ng iyon, tayo naman mismo ang magsilbi sa kanila tayo naman ang tatayong nagulang para sa kanila at pag nagawa mo lahat ng ito…

Kita mo lalapit ka rin sa kanila at sasabihing MARANING SALAMAT PO

Tuesday, May 6, 2008

"WAITING"

Kung nagmamahal ka pero hindi mo naman kasama araw araw at hindi ka rin sigurado kung babalikan ka, anong tawag dun?

Nagmamahal… kasi ang nagmamahal nagtitiwala…

~PLONING


Monday, May 5, 2008

"BASANG BANGKANG PAPEL"

Nasubukan mo na bang gumawa ng mga bagay na hindi mo akalain na magagawa mo o hindi mo alam na kaya mo pa lang gawin ito? Kahit na alam mong dehado ka kung gagawin mo ito? Pero kung nagawa mo man ito eh isang malaking goal na para sayo ito?…

Isang umaga, maagang nagising si pulpol, ito ay isang espesyal na araw para sa kanya kahit alam nya na hindi sila pwedeng magkita ng kaisa-isang espesyal na tao sa buhay nya, sa kadahilanang hindi nya alam… nakakalungkot man isipin na sa espesyal na araw na un eh hindi sila magkikita o magsasama, hiling lang nya sana na kahit isang saglit lang eh ang masilayan at Makasama ang espesyal na tao para sa kanya kaso malabong mangyari…

Pagkabangon sa kama agad bumaba si pulpol na tila ba pupugas-pugas at mainit pa ang ulo at mukang gutom na gutom agad pumunta sa kusina at naluto ng makakain nya… pagkatapus kumain eh nagyosi at masinsinang hinarap si laptop para lang makalimutan kung ano ung meron sa araw na un… tamang chat si gago at tamang liwaliw sa net na para bang wala nang bukas… eh kaso maya’t maya eh naiisip nya ung espesyal na tao sa buhay nya at ung espesyal na araw para sa kanilang dalawa… napaisip sya “naalala kaya nya kung ano meron ngayon?, naaalala nya kaya ako? Hayz…” sa tinatakbo ng isip nya eh tila ba parang baliw na kinakausap ung sarili, tuloy parin sa pagne-net si pulpol at tuloy parin sa kakaisp sa kung ano ano...

Alastres impunto nagsimula nang ma-bord si gago at agad pumunta sa kwarto,humiga sa kama binuksan ang T.V. at un petix si gago na parang sinyorito ang dating, pero ganun pa man hindi maalis sa isip ni pulpol ang okasyong meron nung araw na iyon… marami syang pano na nasira ang hangad lang nya eh ung mapasaya ung espesyal na tao sa buhay nya…kaso hindi nga pwede eh (wag ka ngang mapilit hehe)

Habang nanonood ng T.V. etong si pulpol nang boxing na replay na laban ni dela hoya eh pansamantalang tumahimik ang mundo ni pulpol sa kadahilanang lumilipad ang isip nito nag-iisip nang kung ano ano,paraan para mapasaya lang ang espesyal na taong iyon… hanggang sa nakaisip ng paraan si pulpol na hindi nya inaasahan na magagawa kaya nya ito?

Agad syang bumagon mula sa pagkakahiga pumunta sa kabilang kwarto at hinanap ang pinsan nya para nakautang ng sampong piso pamasahe papuntang bangko para mag withdraw…pagkatapus makautang mula sa kanila eh agad umalis tong si pulpol, walang syang dala kundi cellphone na walang load wallet na P10 lang ang laman at sarili nya… pagdating sa bangko agad syang nag-withdraw, ang alam ni gago eh my laman ung ATM nya na P400 pesos eh nung chineck nya eh P195 lang ang laman nito, nangamba si pulpol ano nga naman nabibili ng isang daan eh alam nyang kukulangin lang un sa panasahe pa lang at sa pang-load eh kulang na… pagkakuha ng P100 eh agad nagpa-load si gago upang itext si teadie beer

Pulpol: “kapatid na teadie beer maaari mo ba akong samahan patungo sa napaka-espesyal na tao sa buhay ko andito ako sa simbahan”

Teadie beer: “sige sige walang problema tamang tama andito ako kela Kem-me”

Pulpol: “ganun ba sige sige hintay mo ako dyan pupuntahan na lang kita”

Agad tumawid ng kalsada si pulpol na tila ba nagmamadali at sa di kalayuan natanaw sya ng matalik nyang kaybigan na matagal tagal na rin sila hindi nagkikita, laking gulat sa isa’t isa.

Rommel: “chong musta? San ka punta?”

Pulpol: “eto ok lang punta ako sa tropa ako at sa isang espesyal na tao eh”

Rommel: “ah ganun ba, chong tulungan mo naman ako kasi nag-away kami ng GF ko kanina eh nandon sya sa plaza iniwan ko sabi ko break na kami tapos kinuha ko ung lahat ng pera ko at sim ko tapos hinagis ko sa pagmumuka nya… bla bla bla bla…

Pulpol: “ gago ka pala talaga!, hindi mo talaga makontrol yang pagka-initin ng ulo mo!. para kang ari na pag-uminit eh (let’s get it on na!..) nasan ba sya? Halika puntahan natin”

At pinuntahan nila si babae… habang hinahanap nila si babae, humingi ng payo si Rommel sa kay pulpol “chong ano gagawin ko pag dating nya? Yayakapin ko ba at magso-sorry o magmamatigas ako” sabi ni pulpol “gago pagdating nya yakapin mo at mag-sorry sa lahat ng magawa mo hayaan nyong pag-usapan nyo ung problema hindi ung sinasaktan mo ung babae. Gago konting respeto lang babae pa rin yan”

Rommel: taena paul ikaw bayan anong nangyari sayo pumasok ka ba sa sememaryo at naging ganyan ka heheh pero chong salamat ng marami”

Hanggang sa dumating si babae at ginawa nya kung ano ung pinayo ni pulpol sa kanya… pinakilala ni Rommel si pulpol kay babae... at pagkatapos eh agad umalis si pulpol nagpaalam dun sa balawang magsing-irug… pulpol: “sige na chong una na ako at ako’y may mahalaga pang misyon na tatapusin sige usap lang kayo ingat”

Nagmamadaling umalis si pulpol papunta kung nasaan si teadie beer… at agad syang nag tricycle patungo kela kem-me at nang makarating dun… agad bumungad sa kanya sila popoy,kem-me,vonel, teadie beer at si CB (crowd breaker)… at pag upo nya sa tabi ni teadie beer eh agad sinabi ni pulpol ung plano na gusto nyang gawin na hindi pa nya kahit kaylan nagagawa…

Pulpol: “chong samahan mo ako sa palengke sa tindahan ng tita ko mangungutang ako ng pera”

Teadie beer: “geh geh geh bsta ikaw alam ko naman na para sa espesyal na tao yang gagawin mo eh”

At biglang dunating ang mga mababait na magulang ni kem-me at ni CB na may daladalang pande pugon (hehehe alam na kainan na)

At habang kumakain napansin nya na dumidilim na. at agad nyang niyaya si teadie beer na umalis na sila patungo sa palengke… at un na nga nagpaalam na sila sa mga magulang nila kem-me at CB. Dalidali silang naglakad papuntang kanto para makasakay ng jeep patungo sa palengke… at nang makasakay na sila hindi na nila naabutan ung tindahan ni pulpol sa palengke kya agad umisip ng paraan si pulpol…

Pulpol: “chong may bente pa ako dito samahan mo ako samin kukunin ko ung isang cellphone ko para isanla kay kem-me…

At nang makauwi sa bahay agad kinuha ung cell phone na tinatago nya sa mga pinsan nya na ang alam eh isa lang cell phone ang gamit nya… at nangmakuha ang cp agad lumarga ang dalawa pero wala na silang pera kaya gumawa ulit ng paraan si pulpol, humiran sya sa tindahang malapit sa kanila ng P50 para pamasahe nagdahilan na lang sya sa tinder na wala syang pare kaya nagwiwithdraw sya (ahzusss sinungaleng heheh)… babayaran daw nya agad kinabukasan, at ng maibigay ang pera agad umalis ang dalawang kolokoy, at habang nalalakad naisipan nila na itext si kem-me para ipa-alam na isasanla sa kanya ung phone eh walang reply kaya napagpasyahan nung dalawa na pumunta na lang dun sa kanila…

At nang makarating dun sa bahay nila kem-me na tipong nahihiya pa si pulpol kung paano nya sasabihin ung tungkol sa isasanlang phone… eh biglang may problema ( kung mamalasin ka nga naman oh) si kem-me pinagalitan ng erFAT nya sa kadahilanan hindi ko alam hehe… eh ang alam ni pulpol na kung maisasanla niya ung phone kay kem-me eh sa erFAT nya sya hihingi ng pera eh kaso war nga sila eh umiiyak pa nga animo’y parang bata itong si kem-me (buhay to oh!!!)

Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon si pulpol na kausapin sila popoy, kem-me, vonel at si CB… sinabi ni pulpol kung ano ung balak nya

Pulpol: “kem-me balak ko sanang isanla sayo ung N73 ko ng P700 babayaran ko agad sa pasukan”

Kem-me: “ para saan?”

Pulpol: “ kasi itong araw na to eh espasyal na araw para sakin balak ko sana na bumila ng bulaklak para sa kanya…

Kem-me: “ eh di kung tutu-usin sya lang ung kaunaunahang babae na bibigyan mo na bulaklak eh pano mo ibibigay”

Pulpul: “eh ang balak ko talaga eh ung ibigay sa kanya ng personal eh kaso malabo ni hindi nga sya pinapayagang lumabas ng bahay eh kaya pupunta ako sa tapat ng bahay nila at iiwan sa taas ng gate nila ang munting regalo ko at tapos itetext ko sya na lumabas sya ng bahay at may iniwan akong munting regalo para sa okasyon na to un lang naman ung hangad ko eh ung mapasaya sya na kahit alam nya na malabong mangyari na maabutan ko sya ng bulaklak”

All together: “AHHHHHhhhhhhh parang telenovelaaaaaaaaaaah”

Tumatakbo ang oras mag-aalas dyis na non balot na balot silang lahat ng tensyo na tila ba sila ung nasa sitwasyon no pulpol, wala parin silang pera nagtetetetext na sila ng mga kakilala nila para lang makahiram ng pera kung sino sino na ung tinetext nila tuloy parin ang takbo ng oras, hanggang sa nakaisip si popoy ng paraan (aba akalain mo meron sya non hehe) hiniram ni popoy ung cp at sinubukan isanla sa tindahang malapit kela kem-me at un na nga nakahiram sila ng P300 pesos pero hindi na kunuha ung cp basta bayaran na lng daw bukas, agad lumarga si pulpol kasama si popoy hindi pa sila nakakalayo eh tinawag sila ni vonel na sabi eh gamitin na lang daw ung bike nya para mapabilis sila, agad kinuha ung bike at umangkas si popoy sa likuran ng bike

Dalidaling nagpipidal si pulpol para lang maabutan ung tindahan ng bulaklak na bukas, at sa sobang pagmamadali eh muntikmuntikan pa silang masagasaan ng kotse pero tuloy parin sa pagpidal itong si gago hanggang sa makarating sila sa tindahan ng bulaklak mababakas sa mukha ni pulpol ang saya kasi naabutan nila ang kaisaisang flower shop na bukas. At bagdating dun agad nagpagawa ng disenyo ng bulaklak si pulpol nakipagtawaran pa si pulpol (ang kapal talaga ng mukha noh grabe) at nang nakuha na ni pulpol ung bulaklak… abot abot ang ngiti ni pulpol na tila ba high na high sa drugs (peace men)…

At nga makabalik kela kem-me agad nagsalita si pupol “hindi ko to malilimutan mga chong kala ko ung 1st monthsary namin hindi magiging memorable para sakin ngayon eh to ung masasabi kong pinaka memorable monthsary na naranasan ko sa tala ng buhay ko salamat sa inyo sinamahan nyo ako sa tensyon at kaba ko… maraming salamat”

All together: “WAG KA NGANG MAG-INARTE DYAN PUNTAHAN MO NA SYA BAGO NG ALAS DOSE” (ano to Cinderella pag patak ng alas dose eh magiging beast na sya? nyahaha)

Agad umalis si pulpol kasama si teadie beer, hindi mo maipinta ung mukha ni pulpol sa sobrang saya handa na sya sa kung ano man ung maaaring mangyari sa bahay ng babae pero ganun pa man disidido at buo na ung loob ni pulpol at pagdating doon… may mga tao kaya tumambay muna sila ni teadie beer sa parlor malapit sa kanila at habang sila ay nalalakad eh hindi sinasadya ni pulpol na mabasag ang nananahimik na malaking paso nalapit sa parlor (sorry naman..) at ng maka upo sila tamang trip sila tamang basa nang mga promo ng parlor astig kasi eh mura footspa P100 lang hehehe…

at habang nagtritrip ung dalawa hindi nila namalayan na umaambon na pala at agad kunuha ni pulpol ung bulaklak at buong tapang na nilagay sa gate ng babae na tila ba wala na syang pake elam kung may makakita man o wala basta ang mahalaga importante (gets mo?)

at nang mailagay ni pulpol ung bulaklak sa gate lumayo sila at agad tinext si babae “lumabas ka ng bahay nyo at may iniwan akong munting regalo para sau”

at habang hinihintay nila na makuha ung bulaklak eh tumambay muna sila sa tindahan habang pinapanood ung ipis na naglalampungan(hehehe cute eh) at maya maya pa’y umulan na sinilip nila ung bulaklak wala na ito alam nila na nakuha nya na sa wakas nagawa nya narin ung plano pero hazel nga lang umulan ng malakas nabasa na sila at sa dikalayuan nakita ni pulpol ung tropa nya dati at nang hiram sila ng payong para hindi gaanung mabasa at un masayang umuwi sila pulpol at teadie beer nakahit wala silang pamasahe eh nakalusot naman sila sa driver hehehe hindi nya inaasahan na magagawa at mangyayari ung memorable moment na un…


tingin ko naman maging masaya sya sa ginawa ni pulpol hihihih




PS: itong kwentong ito ay nabasa ko lang sa basang basa at palubog na bangkang papel na nalapit sa alulud nang isang bahay na may naka sampid na eroplanong papel…

Saturday, May 3, 2008

"GRANMA"


Mahimbing ung tulog ko saking kama, nagising ako sa sikat ng araw papunta sa mukha ko na pawis na pawis at tila nagmamantika na sa sobrang bilad nito, agad akong bumangon at kinuha ung cell phone ko at tinignan kung sino ang naka-alala sakin habang mahimbing ang aking pagtulog, pero wala akong nakita ni isang mensahe (kalungkot naman hihi) pero inisantabi ko muna ung cell phone ko at ako’y maliligo muna, at saking paliligo na may halong dance choreography habang nagsasabon bigla akong naalala na mayo pala ngayon panibagong buwan na naman ang lilipas at patapus na rin ang summer na hindi man lang ako naka pag-enjoy pero ganun pa man ok lang yan marami pang araw malay ko sa mga araw na to eh may makakasama na akong mag-enjoy, pero pano yon?, ung tanong eh… hindi nga kami nakikita ni manang psycho…

Si manang psycho ung taong galit sa “bahala na” pero wag ka matulungin ito, sya ung maganda,pilya,makulit, matigas ang ulo na tipong “wag mong gawin yan delekado” aba sige pa rin ganyan ka-cool si manang psycho at kaya pala sya tinawag na manang eh hindi dahil matanda na sya kundi ung utak nya sampung beses yata ung angat nya sa ordinaryong utak ng tao “galing noh?” kakaiba talaga tong si manang psycho… may pagka-psychotic ung dating eh… pero ganun paman nahulog ako kay manang psycho. Inubos ko ung oras ko sa panood at pag-iinternet alam kong hindi sya tatawag ng ganitong oras… pero sa pagsapit ng gabi.. heto na’t naghihintay maka-usap sya….

Habang ako’y nanonood sa loob ng kwarto ko ng paborito kong programa sa T.V. hinihintay ko ung tawag ni manang psycho natila ba nababaliw na sa kakahintay kulang na nga lang maglaro ako ng laway eh… hindi ko sya ma-text kasi wala akong load (se-cell phone, cell phone walang pang load) kaya tamang hintay na lang ako sa kanya…habang ako’y naghihintay sa pag tawag nya eh naisipan kong gumawa ng kanta pampalipas oras, agad kong hininaan ung T.V. at kumuha ng kapirasong papel at panulat. at ayon sinimulan ko ng gumawa ng kanta…

TELEPONO

Isang umagang nagising

Isang anghel ang dumating

Akala ko’y nagpapangap

Ako pala’y nangangarap

Pero ngayon alam ko na

Alam ko na na ikaw na nga

Babae kong hinahanap

Babae kong pinapangap…

Chorus

Sa telepono….

Pagnarinig ang boses mo

Na huhulog….

Ang loob ko sa iyo

Sa telepono wuoooohh…

Na iin-love ako sayo

Kung wala ito…

Wala na rin ang buhay ko….

Stanza

Hindi ko alam ang gagawin

Kung mawawala ka sa aking piling

Para bang ako’y mababaliw

Wala man lang bang mang-aaliw…

Hinahanop hanap kita

San ka ba napupunta

Kylan ba kita makikita

kylan ba kita nakakasama…

(repeat chorus 3x)

Hanggang sa natapos ko ung kanta… hindi pa rin sya tumatawag at habang papatapos na rin ung programang pinapanood ko, biglang nag-ring ang phone… “Hello? Manang psycho?” habang binabanggit ko ung katagang ito, na alam ko naman na sya na ung hinihintay ko, eh may halong tuwa saking mukha at ngiti saking mga mata (galing noh?)… wala lng kweto kwetohan achuchuchu… bla bla… chorva chenez… pero kahit ganun ung pag-uusap namin eh… malaking bagay na para sakin ung maka-usap ung isang tulad nya na mahalaga sa buhay ko…

Sa aming pag-uusap, na-open ung topic sa di naming pagkakaunawaan, mga bagay na hindi ko talaga sadyang maintindihan kung bakit ganto?, bakit ganyan… ang daming tanong na gumugulo sa isip ko kahit ung tanong na hindi dapat itanong at ung tanong na alam ko naman ung sagot (ang gulo talaga?)… sampung utak laban sa isang utak (wow kamusta naman un?) pero wala akong halong pagsisise kahit sinabi nya na “wala ka pala eh… sumuko ka na kasi wala sakin tumatagal”(wow naman ang sakit nun ah) at sinabihan din ako na bumitaw na ako mula sa pagkakakapit ko… eh pano ako bibitaw eh tineapan ko ung kamay ko at nilagyan ng mightybond sa buong paligid nito at nagbabalak pa akong mag lagay ng kadena at kandado. at pag-nasusian na eh lulunukin ko ung susi… (tindi noh? Hihih…)

Pero hindi natinag si manang psycho sige pa rin ng sige kahit masakit sakin tangap lang ng tangap… eh sa sobrang pikon na sya eh gusto nya ng ibaba ung phone dahil gusto nya daw makapag isip isip… sinubukan kong awayin na pero hindi ko talga kaya ung powers ni manang… at sinubukan ko rin mag-tigas tigasan ng ulo. Langya talo pa rin ang gago.. nga pala mas matigas ung ulo nya sakin platinum yata ulo nun eh hindi bakal (tindi!), at ayon na nga binaba na ni manang psycho ung phone at sa pag-baba nya nun… pansamantalang natahimik ako sa kwarto na tila ba kuliglig lang ung naririnig ko. Sinubukan kong matulog langya hindi ako makatulog… nag-iisip ako kung ano dapat kong gawin at kung ano dapat kong baguhin…

Lumabas ako ng kwarto kinuha ung laptop, binuksan, nagnakaw ng signal ng wifi at yon presto instant internet… at sa aking pagliliwaliw sa net aking naka-chat ung tropa kong si teadie beer tila ba nagyayayang puntahan si granma na matagal tagal na naming hindi nakasama at matagal tagal din saming nawalay “ano chong puntahan natin si granma I miss her so so so so much” sabi ko “tara nakakamis din pala si granma noh?” si granma kasi sa tuwing kasama namin sya eh pansamantala lang naman nawawala ang aming mga suliranin, problema, sarili,cellphone pitaka etc... sa sobrang saya ni granma eh tila ba limot mo lahat.

pero payo samin ng mga nakakatanda samin na wag masyadong magpapadala kay granma eh may pagka talkshit yan eh… pero ganun paman eh tuloy kami ni teadie beer na puntahan si granma sa bandang V-mapa at dun namin makikita si granma… at ayon na nga nakasama na namin sa granma at sa sobrang saya nagpagulong-gulong kami sa kalsada kasama ni granma at pansamantala kong nakalimutan mga sinabi ni manang psycho… at habang nakikipag tagisan kami ng lakas kay granma na hindi namin napatumba sa sobrang lakas nya na parang nag-gi gym araw araw “eh ayon talo hehe…” inabot na kami ng bukang liwayway at na isipan ko na kami ay umuwi na nawawala na kasi ung layaw ko kay granma eh kaya nagpasya na akong umuwi kasama si teadie beer na mukhang badtrip na badtrip kasi hindi nya alam kung ano idadahilan nya sa jowa nya hehehe (wawa naman nyahaha)…

At sa aking pag-uwi agad tumawag si manang psycho na para bang good mood ung gising na aking ikinatuwa hehehe syempre sino ba namang hindi matutuwa sa tawa ng abnoy kong psycho hehe…

ayon sabi nya “matulog ka na at magpahinga alam kong antok ka na at wala ka pang tulog geh na” sagot ko ”opo mahal kita eh”, at pag baba ko ng phone agad napawi at nawala ung mga pinagtaluhan namin nung isang araw at isinawalang bahala ko na lang, kunwari na lang na parang walang nangyari nung mga araw na un, at agad akong natulog ng mahimbing… ZZZZzzzzzzzz (-_-)

PS: hindi lahat ng problema eh naidadaan kay GRANMA… hayaan nyo muna na kayo mismo ang magpasya kung ano ung tama at kung ano ung dapat nyong gawin, pag-usapan ang mga bagay na hindi naunawaan, ipaintindi mo sa tao kahit tanga sya walang masama kung kau mismo ung nagtutulungan, palawakin ang inyong isipan at wag maging tanga sa sarili mong tinatapakan…