DIMONYONG PAYASO

Mga Munting Kwento Ni PUNKASAR

Get cool stuff at BlingPixie.com

Monday, May 5, 2008

"BASANG BANGKANG PAPEL"

Nasubukan mo na bang gumawa ng mga bagay na hindi mo akalain na magagawa mo o hindi mo alam na kaya mo pa lang gawin ito? Kahit na alam mong dehado ka kung gagawin mo ito? Pero kung nagawa mo man ito eh isang malaking goal na para sayo ito?…

Isang umaga, maagang nagising si pulpol, ito ay isang espesyal na araw para sa kanya kahit alam nya na hindi sila pwedeng magkita ng kaisa-isang espesyal na tao sa buhay nya, sa kadahilanang hindi nya alam… nakakalungkot man isipin na sa espesyal na araw na un eh hindi sila magkikita o magsasama, hiling lang nya sana na kahit isang saglit lang eh ang masilayan at Makasama ang espesyal na tao para sa kanya kaso malabong mangyari…

Pagkabangon sa kama agad bumaba si pulpol na tila ba pupugas-pugas at mainit pa ang ulo at mukang gutom na gutom agad pumunta sa kusina at naluto ng makakain nya… pagkatapus kumain eh nagyosi at masinsinang hinarap si laptop para lang makalimutan kung ano ung meron sa araw na un… tamang chat si gago at tamang liwaliw sa net na para bang wala nang bukas… eh kaso maya’t maya eh naiisip nya ung espesyal na tao sa buhay nya at ung espesyal na araw para sa kanilang dalawa… napaisip sya “naalala kaya nya kung ano meron ngayon?, naaalala nya kaya ako? Hayz…” sa tinatakbo ng isip nya eh tila ba parang baliw na kinakausap ung sarili, tuloy parin sa pagne-net si pulpol at tuloy parin sa kakaisp sa kung ano ano...

Alastres impunto nagsimula nang ma-bord si gago at agad pumunta sa kwarto,humiga sa kama binuksan ang T.V. at un petix si gago na parang sinyorito ang dating, pero ganun pa man hindi maalis sa isip ni pulpol ang okasyong meron nung araw na iyon… marami syang pano na nasira ang hangad lang nya eh ung mapasaya ung espesyal na tao sa buhay nya…kaso hindi nga pwede eh (wag ka ngang mapilit hehe)

Habang nanonood ng T.V. etong si pulpol nang boxing na replay na laban ni dela hoya eh pansamantalang tumahimik ang mundo ni pulpol sa kadahilanang lumilipad ang isip nito nag-iisip nang kung ano ano,paraan para mapasaya lang ang espesyal na taong iyon… hanggang sa nakaisip ng paraan si pulpol na hindi nya inaasahan na magagawa kaya nya ito?

Agad syang bumagon mula sa pagkakahiga pumunta sa kabilang kwarto at hinanap ang pinsan nya para nakautang ng sampong piso pamasahe papuntang bangko para mag withdraw…pagkatapus makautang mula sa kanila eh agad umalis tong si pulpol, walang syang dala kundi cellphone na walang load wallet na P10 lang ang laman at sarili nya… pagdating sa bangko agad syang nag-withdraw, ang alam ni gago eh my laman ung ATM nya na P400 pesos eh nung chineck nya eh P195 lang ang laman nito, nangamba si pulpol ano nga naman nabibili ng isang daan eh alam nyang kukulangin lang un sa panasahe pa lang at sa pang-load eh kulang na… pagkakuha ng P100 eh agad nagpa-load si gago upang itext si teadie beer

Pulpol: “kapatid na teadie beer maaari mo ba akong samahan patungo sa napaka-espesyal na tao sa buhay ko andito ako sa simbahan”

Teadie beer: “sige sige walang problema tamang tama andito ako kela Kem-me”

Pulpol: “ganun ba sige sige hintay mo ako dyan pupuntahan na lang kita”

Agad tumawid ng kalsada si pulpol na tila ba nagmamadali at sa di kalayuan natanaw sya ng matalik nyang kaybigan na matagal tagal na rin sila hindi nagkikita, laking gulat sa isa’t isa.

Rommel: “chong musta? San ka punta?”

Pulpol: “eto ok lang punta ako sa tropa ako at sa isang espesyal na tao eh”

Rommel: “ah ganun ba, chong tulungan mo naman ako kasi nag-away kami ng GF ko kanina eh nandon sya sa plaza iniwan ko sabi ko break na kami tapos kinuha ko ung lahat ng pera ko at sim ko tapos hinagis ko sa pagmumuka nya… bla bla bla bla…

Pulpol: “ gago ka pala talaga!, hindi mo talaga makontrol yang pagka-initin ng ulo mo!. para kang ari na pag-uminit eh (let’s get it on na!..) nasan ba sya? Halika puntahan natin”

At pinuntahan nila si babae… habang hinahanap nila si babae, humingi ng payo si Rommel sa kay pulpol “chong ano gagawin ko pag dating nya? Yayakapin ko ba at magso-sorry o magmamatigas ako” sabi ni pulpol “gago pagdating nya yakapin mo at mag-sorry sa lahat ng magawa mo hayaan nyong pag-usapan nyo ung problema hindi ung sinasaktan mo ung babae. Gago konting respeto lang babae pa rin yan”

Rommel: taena paul ikaw bayan anong nangyari sayo pumasok ka ba sa sememaryo at naging ganyan ka heheh pero chong salamat ng marami”

Hanggang sa dumating si babae at ginawa nya kung ano ung pinayo ni pulpol sa kanya… pinakilala ni Rommel si pulpol kay babae... at pagkatapos eh agad umalis si pulpol nagpaalam dun sa balawang magsing-irug… pulpol: “sige na chong una na ako at ako’y may mahalaga pang misyon na tatapusin sige usap lang kayo ingat”

Nagmamadaling umalis si pulpol papunta kung nasaan si teadie beer… at agad syang nag tricycle patungo kela kem-me at nang makarating dun… agad bumungad sa kanya sila popoy,kem-me,vonel, teadie beer at si CB (crowd breaker)… at pag upo nya sa tabi ni teadie beer eh agad sinabi ni pulpol ung plano na gusto nyang gawin na hindi pa nya kahit kaylan nagagawa…

Pulpol: “chong samahan mo ako sa palengke sa tindahan ng tita ko mangungutang ako ng pera”

Teadie beer: “geh geh geh bsta ikaw alam ko naman na para sa espesyal na tao yang gagawin mo eh”

At biglang dunating ang mga mababait na magulang ni kem-me at ni CB na may daladalang pande pugon (hehehe alam na kainan na)

At habang kumakain napansin nya na dumidilim na. at agad nyang niyaya si teadie beer na umalis na sila patungo sa palengke… at un na nga nagpaalam na sila sa mga magulang nila kem-me at CB. Dalidali silang naglakad papuntang kanto para makasakay ng jeep patungo sa palengke… at nang makasakay na sila hindi na nila naabutan ung tindahan ni pulpol sa palengke kya agad umisip ng paraan si pulpol…

Pulpol: “chong may bente pa ako dito samahan mo ako samin kukunin ko ung isang cellphone ko para isanla kay kem-me…

At nang makauwi sa bahay agad kinuha ung cell phone na tinatago nya sa mga pinsan nya na ang alam eh isa lang cell phone ang gamit nya… at nangmakuha ang cp agad lumarga ang dalawa pero wala na silang pera kaya gumawa ulit ng paraan si pulpol, humiran sya sa tindahang malapit sa kanila ng P50 para pamasahe nagdahilan na lang sya sa tinder na wala syang pare kaya nagwiwithdraw sya (ahzusss sinungaleng heheh)… babayaran daw nya agad kinabukasan, at ng maibigay ang pera agad umalis ang dalawang kolokoy, at habang nalalakad naisipan nila na itext si kem-me para ipa-alam na isasanla sa kanya ung phone eh walang reply kaya napagpasyahan nung dalawa na pumunta na lang dun sa kanila…

At nang makarating dun sa bahay nila kem-me na tipong nahihiya pa si pulpol kung paano nya sasabihin ung tungkol sa isasanlang phone… eh biglang may problema ( kung mamalasin ka nga naman oh) si kem-me pinagalitan ng erFAT nya sa kadahilanan hindi ko alam hehe… eh ang alam ni pulpol na kung maisasanla niya ung phone kay kem-me eh sa erFAT nya sya hihingi ng pera eh kaso war nga sila eh umiiyak pa nga animo’y parang bata itong si kem-me (buhay to oh!!!)

Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon si pulpol na kausapin sila popoy, kem-me, vonel at si CB… sinabi ni pulpol kung ano ung balak nya

Pulpol: “kem-me balak ko sanang isanla sayo ung N73 ko ng P700 babayaran ko agad sa pasukan”

Kem-me: “ para saan?”

Pulpol: “ kasi itong araw na to eh espasyal na araw para sakin balak ko sana na bumila ng bulaklak para sa kanya…

Kem-me: “ eh di kung tutu-usin sya lang ung kaunaunahang babae na bibigyan mo na bulaklak eh pano mo ibibigay”

Pulpul: “eh ang balak ko talaga eh ung ibigay sa kanya ng personal eh kaso malabo ni hindi nga sya pinapayagang lumabas ng bahay eh kaya pupunta ako sa tapat ng bahay nila at iiwan sa taas ng gate nila ang munting regalo ko at tapos itetext ko sya na lumabas sya ng bahay at may iniwan akong munting regalo para sa okasyon na to un lang naman ung hangad ko eh ung mapasaya sya na kahit alam nya na malabong mangyari na maabutan ko sya ng bulaklak”

All together: “AHHHHHhhhhhhh parang telenovelaaaaaaaaaaah”

Tumatakbo ang oras mag-aalas dyis na non balot na balot silang lahat ng tensyo na tila ba sila ung nasa sitwasyon no pulpol, wala parin silang pera nagtetetetext na sila ng mga kakilala nila para lang makahiram ng pera kung sino sino na ung tinetext nila tuloy parin ang takbo ng oras, hanggang sa nakaisip si popoy ng paraan (aba akalain mo meron sya non hehe) hiniram ni popoy ung cp at sinubukan isanla sa tindahang malapit kela kem-me at un na nga nakahiram sila ng P300 pesos pero hindi na kunuha ung cp basta bayaran na lng daw bukas, agad lumarga si pulpol kasama si popoy hindi pa sila nakakalayo eh tinawag sila ni vonel na sabi eh gamitin na lang daw ung bike nya para mapabilis sila, agad kinuha ung bike at umangkas si popoy sa likuran ng bike

Dalidaling nagpipidal si pulpol para lang maabutan ung tindahan ng bulaklak na bukas, at sa sobang pagmamadali eh muntikmuntikan pa silang masagasaan ng kotse pero tuloy parin sa pagpidal itong si gago hanggang sa makarating sila sa tindahan ng bulaklak mababakas sa mukha ni pulpol ang saya kasi naabutan nila ang kaisaisang flower shop na bukas. At bagdating dun agad nagpagawa ng disenyo ng bulaklak si pulpol nakipagtawaran pa si pulpol (ang kapal talaga ng mukha noh grabe) at nang nakuha na ni pulpol ung bulaklak… abot abot ang ngiti ni pulpol na tila ba high na high sa drugs (peace men)…

At nga makabalik kela kem-me agad nagsalita si pupol “hindi ko to malilimutan mga chong kala ko ung 1st monthsary namin hindi magiging memorable para sakin ngayon eh to ung masasabi kong pinaka memorable monthsary na naranasan ko sa tala ng buhay ko salamat sa inyo sinamahan nyo ako sa tensyon at kaba ko… maraming salamat”

All together: “WAG KA NGANG MAG-INARTE DYAN PUNTAHAN MO NA SYA BAGO NG ALAS DOSE” (ano to Cinderella pag patak ng alas dose eh magiging beast na sya? nyahaha)

Agad umalis si pulpol kasama si teadie beer, hindi mo maipinta ung mukha ni pulpol sa sobrang saya handa na sya sa kung ano man ung maaaring mangyari sa bahay ng babae pero ganun pa man disidido at buo na ung loob ni pulpol at pagdating doon… may mga tao kaya tumambay muna sila ni teadie beer sa parlor malapit sa kanila at habang sila ay nalalakad eh hindi sinasadya ni pulpol na mabasag ang nananahimik na malaking paso nalapit sa parlor (sorry naman..) at ng maka upo sila tamang trip sila tamang basa nang mga promo ng parlor astig kasi eh mura footspa P100 lang hehehe…

at habang nagtritrip ung dalawa hindi nila namalayan na umaambon na pala at agad kunuha ni pulpol ung bulaklak at buong tapang na nilagay sa gate ng babae na tila ba wala na syang pake elam kung may makakita man o wala basta ang mahalaga importante (gets mo?)

at nang mailagay ni pulpol ung bulaklak sa gate lumayo sila at agad tinext si babae “lumabas ka ng bahay nyo at may iniwan akong munting regalo para sau”

at habang hinihintay nila na makuha ung bulaklak eh tumambay muna sila sa tindahan habang pinapanood ung ipis na naglalampungan(hehehe cute eh) at maya maya pa’y umulan na sinilip nila ung bulaklak wala na ito alam nila na nakuha nya na sa wakas nagawa nya narin ung plano pero hazel nga lang umulan ng malakas nabasa na sila at sa dikalayuan nakita ni pulpol ung tropa nya dati at nang hiram sila ng payong para hindi gaanung mabasa at un masayang umuwi sila pulpol at teadie beer nakahit wala silang pamasahe eh nakalusot naman sila sa driver hehehe hindi nya inaasahan na magagawa at mangyayari ung memorable moment na un…


tingin ko naman maging masaya sya sa ginawa ni pulpol hihihih




PS: itong kwentong ito ay nabasa ko lang sa basang basa at palubog na bangkang papel na nalapit sa alulud nang isang bahay na may naka sampid na eroplanong papel…

2 comments:

pb said...

buti nalang may mga kaibigan kang tunay noh... ayus yan. yeah!

PUNK_ASAR said...

hehehe kc aus nman din ung pikikisama ko sa kanila eh

lhumkoh SORRY ah naiintindhan n poh kita geh po alagaan mo lng si mommy mo at si ti ingatan mo rin sarili mo ah nangangayayat ka na eh... love you lhumkoh