DIMONYONG PAYASO

Mga Munting Kwento Ni PUNKASAR

Get cool stuff at BlingPixie.com

Tuesday, May 13, 2008

"sing sing"


Bakit ganun? kaya mong isakripisyo at mangako kahit ano sa taong mahal mo kahit alam mong makakasama ito sayo o ikakasira mo sa maraming tao…



Ako si Emil, lumaki ako sa magulo at masalimuot ng lugar, dito sa tundo, bata palang ako eh hindi ko na kinagisnan ang pagmamahal ang aking magulang, ang tatay ko namatay dahil sa trouble sa kabilang kanto, ang nanay ko naman eh japayuki nagpapaka-pokpok sa mga hapon para lang maiahon ung sarili nya sa kahirapan, “eh pano na ako? Parang wala syang anak na naiwan dito sa magulong mundo na to ah”

Lumaki ako sa hampadan ng bote, paluan ng dos por dos , sak-sakan ng balisong at isang kalabi ng gatilyo at napasok ko na rin ang mundo ng mahiwagang bato at damo. Hindi ko alam kung bakit ko pinasok tong buhay kong to, eh dito rin ako nabubuhay eh kahit alam kong dilekado rin buhay ko,binabayaran nila ako para sa isang gulo ika nga nila eh trouble maker ako, pero wala akong paki sa kanila eh kung dito ako nabubuhay eh.

Minsan umuwi ako sa bahay galing sa isang away, buguan,iikaika maglakad, may saksak sa kaliwang tadyang bahid ng sakit ang aking buong katawan, at habang papalapti sa bintuan natanaw ako agad na may tao sa bahay ko “sino ung putang ina nun?” at dali dali akong pumasok at bumunot ng balisong at sabay sigaw ng “HOY TARANTADO KA AH BAKIT KA NASA BAHAY KO?, MAGNANAKAW KA NO?” at ng lumingon ung tao… agad ako natulala, na hindi ko man lang nararamdaman ung asero na kinakalawangna tumusok sakin kanina, ng bigala kong nasilayan ang kanyang mukha agad kong nabitawan ung balisong sabay tulo ng luha at sabay sabing “NAY?”

Lumatap si nanay at yayakapin ako…

Nay: anak (humahagulgul sa pag-iyak)

Emil: bitawan mo ako, sino ka ba? (pa-galit na sinabi.)

Nay: anak bumalik ako para kunin ka na para nagsama na tayo..

Emil: para san pa, para gawin din akong pokpok na katulad nyo, nay ilang taon akong namuhay nag-isa, baka nakakalimutan nyo na pitong taon palang ako nung iniwan nyo, eh langya bente dos na ako, tapus sasabihin nyo anak nyo ko “what the F” (iskwater yan…)

Nay: anak patawari mo nagawa ko sa mga nagawa ko sayo, napapadala naman ako ng pera para sayo ah, para sa pag=aaral mo,binilin ko sa mga kamag-anak natin.

Emil: alin ung mga kamag-anak natin? Kamag-anak natin na naglulumpasay sa pera na pinapadala nyo. Alam nyo bang kung san napupunta ung pera nyo? Dun sa mga walang kwenta akong Mga pinsan na nadalas eh sinasabihan pa ako na magnanakaw. Para sa pag-aaral ko? Oo nag-aral nga ako tangina 2nd yr high school…? At ung perang yon galling sa droga… hindi sa pera nyo…!

At umamba sa sampal ang nanay nya

Emil: sige ituloy nyo!!!, nang tuluyang kong itangi ng INA ko kya, SIGE ITULOY MO!!!! (galit at umiyak na sinabi)

Matapos ang eksenang yon na mainit pa sa kumukulong tubig sa kasirola. Eh hindi na nag-atubiling lumayas si emil na hindi man lang iniinda ung saksak sa tadyang, hanggang sa napadpad sya sa hindi alam na lugar at dun nawalan sya ng malay sa isang pabrika ng chocolate (wow sarap chocolate hehehe) dun na sya inumaga

At dun may nakakita sa kanya, isang babae na manager ng pabrika at agad syang tumawag ng tulong at diniretsyo sa sa hindi kilalang hospital…

At ng nagkamalay si emil agad nyang tinanung kung nasan sya, agad sumagot si manager.

Manager: nasa hospital ka emil

Laking gulat ni emil nung tinawag ang kanyang pangalan ng babaeng manager

Emil: ikaw!?

Manager: oo emil ako nga, ako ung tinulungan mo kagabi, kung hindi dahil sau eh malamang pinagfie-fiestahan na ako nung mga manyakis na un… kaya maraming salamat sau, utang ko ang buhay ko… ako nga pala si hanny

Pinilit tumayo ni emil at agad pinigilan ni hanny “hindi mo pa kaya yaan mo muna makapagpahinga ka at magpagaling at sa pag-galing mo may naghihintay ng trabaho sau…” hindi na nagsalita si emil at agad humiga at nagpahinga…

Makalipas ng ilang buwan magaling na ako at nagtatrabaho na ako sa pabrika nila hanny at hindi ko namayaan na nagkakamabutihan na pala kami ni hanny, hindi ko rin maiwasan na mapa-away sa kapwa ko katarbaho… ginagawa nila akong alila eh pantay-pantay namang kaming mga mang-gagawa lang. “eh hindi porket bago ako dito eh kakayan-kayanin nyo ko”

At sempre ung gulo na ginawa ko eh makakarating sa boss ko (manager ng pabrika) na unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya, eh pano laki ako sa magulo at masalimuot na lugar at sya naman laki sa marangyang pamilya, hindi kami bagay langit sya lupa ako…

At ng makarating sa boss ko eh hindi ako pinagalita bagkos pinagsabihan lang ako “emil naman iwas-iwasan mo man ang gulo, sagot ko tamang tango lang (bastos noh?)

Ang hindi ko alam eh may pagtingin na sakin ang boss ko…

At nga gabing un, pagkatapos ng trabaho, habang papauwi ako sa bahay eh tinawag ako ng boss ko at sabing…

Hanny: emil… hindi ko alam kung pano ko sasabihin sau ito… mahal kita…

Emil: mahal? Alam mo ba ung pinagsasasabi mo eh ni hindi mo nga ako kilala ng lubos eh tapos sasabihin mo mahal mo ako? (pinipigilan ung mararamdaman)

Hanny: alam ko, nararamdaman ko, mahal mo rin ako…

Hindi na nagsalita si emil at tinalikuran na lang si hanny at habang nakatalikod, pabulong na sinabi “mahal din kita hanny” sabay takbo…

Makalipas ng ilang buwan, si emil naman ang naglakas loob na magtapat ng pag-ibig kay hanny ay hindi sya nabigo, umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa hangang sa…

Emil: hanny mahal mo ba ako?

Hanny: anung klasing tanong yan? Sempre naman OO

Emil: kung mahal mo ako ipapakilala mo ako sa magulang mo?

Hanny: hindi ganon kadali un emil, alam mo naman na istrikto pamilya ko?

Emil: kung mahal mo ako ipaglalaban mo ako…

Hanny: sige emil ipapakilala kita sa kanila (yakap-yakap si emil)

Kinabukasan,pusturang pustura ang panonood ni emil at mukang handa na sa mangyayari… at ng makarating sa bahay ng babae.. eh hindi na nag-atubiling ipakilala si emil, nagalit ang tatay ni hanny ng malaman na isang trabahador lang sa pabrika nila ang inibig ni hanny, sinubukan ni hanny na ipaglaban si emil at hindi ito nagtagumpay,nagsalita na rin si emil na mahal na mahal nya si hanny, pero pinalayas lang sya…

Pagkauwi sa bahay agad naglasing si emil sa sama ng loob, at nadatnan sya ng nanay niya,

Nay: anak? bakit?

Emil: inay bumalik ka ba dito para sakin o dahil wala ka ng trabaho? (seryoso na sinabi ni emilhabang umiinom)

Nay: anak walang sino mang ina na hindi natitiis ang anak… kung alam mo lang ang hirap na dinanas ko dun nakapiling lang kita anak (umiiya na sinabi habang nakiinom ng alak) lahat ng ginagawa ko eh para sayo, kung alam ko lang na sakanilang bulsa pala napupunta ung pera eh di sana hindi ka nagkaganyan…

At maya maya pa’y niyakap ni emil ang ina ay sabay sabing…

Emil: nay… ang sakit, ang sakit sakit, alam ko na alam nyo na matapang ako hindi ko iniinda ung mga suntok, sipak, palo at mga saksak sa katawan ko, pero nay ibang sakit ang nararamdaman ko ngayon ang mawalay sa minamahal mo…

Nay: naiintindihan kita anak, naiintindihan kita…

Matapos ung araw na un, kinabukasan eh nagresign na si emil sa pinapasukan nya, nalaman ito ni hanny pinuntahan nya agad si emil sa bahay nila na daladala ang mga gamit nya na tila ba makikipag-tanan at dun kinausap nya ito

Hanny: emil alam ko labis kang nasaktan, pero andito ako, nagsusumamong patawarin mo, hindi ko man lang naipaglaban ung taong mahal na mahal ko… (cry,cry ang eksena)

Emil: wala ka dapat ihingi ng sorry ang mahalaga kasama kita…

Ilang taon ang lumipas, pinuntahan ni emil at hanny ang mansion at dun muling pinaglaban nila ang kanilang pag-iibigan… hindi sila nabigo natanggap na ng daddy ni henny ang kanilang pag-iibigan…

Pag-uwi sa bahay,

Emil: hanny? Malapit na ung anniversary natin ah, may rigalo ako sau…

Hanny: hindi ko kylangan ung matiryal na regalo ang mahalaga ay kasama na kita, ok na sakin ung magpakatino ka umiwas sa gulo at away, ayoko kasing nakikita na nasasaktan ka,

Emil: pangako mahal ko, pangako , gagawin ko lahat lahat hanggang sa ikaliligaya mo.

Hanny: salamat emil mahal na mahal kita…

At ng gabing yon lumabas si emil para bumila ng regalo… at biglang hinarang sya ng mga hindi kilalang armadong lalaki…

Tambay: henny si emil napaaway…

Hanny: HA! SAAN? Humingi ka agad ng tulong…

Agad pinuntahan ni hanny ang lugar kung saan napaaway si emil at sa dikalayuan eh patak ng dugo ng bumungad sa kanya, inakala ni henny na nakapatay si emil pero laking gulat nya ng sinungan nya ung patak ng dugo eh nakita nya na nakahilata si emil at duguon ang buong katawa… rumaragasang tumakbo si hanny papunta kay emil upang yakapin ito

Hanny: emil huhuhu bakit ngayon pa tanggap ko naman na mamamatay ka, sa katandaan o kaya sa sakit hindi ung ganito hindi to ung gusto kong regalo…

Emil: mahal ko (nakangit na sinabi at may dugo dugo pa ung ipin at naghahabol ng hinginga) nangako ako na hindi na ako makikipagaway, ito tinupad ko, hindi ako lumaban sa kanila, hindi ko hinayaan na makuha itong regalo ko sau…

Umiiyak si hanny sa mga sinabi nya at habang yakap yakap ni hanny si emil, eh dahan dahan ginalaw ni emil ang kanyang kamay papunta sa kamay ni hanny at dun na sya nalagutan ng hininga…

At lalong humagulgul si hanny ng malaman nya patay na si emil at nakita nya ang regalo na dapat ibibigay sa kanya sa anniversary nila, nang Makita nya sa sahig isang sing sing na bahid ng dugo at sa sahig ay may nakasulat na ”mahal kita” na isulat ito pamamagitan ng dugo ni emil…




Ikaw kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lng sa mahal mo? Kaya mo bang gawin lahat alang-ala lang sa kanya? Ipakita mo na kaya mo!, baka sa huli pagsisihan mo na hindi mo nagawa ung pangako mo…

No comments: