Mahimbing ung tulog ko saking kama, nagising ako sa sikat ng araw papunta sa mukha ko na pawis na pawis at tila nagmamantika na sa sobrang bilad nito, agad akong bumangon at kinuha ung cell phone ko at tinignan kung sino ang naka-alala sakin habang mahimbing ang aking pagtulog, pero wala akong nakita ni isang mensahe (kalungkot naman hihi) pero inisantabi ko muna ung cell phone ko at ako’y maliligo muna, at saking paliligo na may halong dance choreography habang nagsasabon bigla akong naalala na mayo pala ngayon panibagong buwan na naman ang lilipas at patapus na rin ang summer na hindi man lang ako naka pag-enjoy pero ganun pa man ok lang yan marami pang araw malay ko sa mga araw na to eh may makakasama na akong mag-enjoy, pero pano yon?, ung tanong eh… hindi nga kami nakikita ni manang psycho…
Si manang psycho ung taong galit sa “bahala na” pero wag ka matulungin ito, sya ung maganda,pilya,makulit, matigas ang ulo na tipong “wag mong gawin yan delekado” aba sige pa rin ganyan ka-cool si manang psycho at kaya pala sya tinawag na manang eh hindi dahil matanda na sya kundi ung utak nya sampung beses yata ung angat nya sa ordinaryong utak ng tao “galing noh?” kakaiba talaga tong si manang psycho… may pagka-psychotic ung dating eh… pero ganun paman nahulog ako kay manang psycho. Inubos ko ung oras ko sa panood at pag-iinternet alam kong hindi sya tatawag ng ganitong oras… pero sa pagsapit ng gabi.. heto na’t naghihintay maka-usap sya….
Habang ako’y nanonood sa loob ng kwarto ko ng paborito kong programa sa T.V. hinihintay ko ung tawag ni manang psycho natila ba nababaliw na sa kakahintay kulang na nga lang maglaro ako ng laway eh… hindi ko sya ma-text kasi wala akong load (se-cell phone, cell phone walang pang load) kaya tamang hintay na lang ako sa kanya…habang ako’y naghihintay sa pag tawag nya eh naisipan kong gumawa ng kanta pampalipas oras, agad kong hininaan ung T.V. at kumuha ng kapirasong papel at panulat. at ayon sinimulan ko ng gumawa ng kanta…
TELEPONO
Isang umagang nagising
Isang anghel ang dumating
Akala ko’y nagpapangap
Ako pala’y nangangarap
Pero ngayon alam ko na
Alam ko na na ikaw na nga
Babae kong hinahanap
Babae kong pinapangap…
Chorus
Sa telepono….
Pagnarinig ang boses mo
Na huhulog….
Ang loob ko sa iyo
Sa telepono wuoooohh…
Na iin-love ako sayo
Kung wala ito…
Wala na rin ang buhay ko….
Stanza
Hindi ko alam ang gagawin
Kung mawawala ka sa aking piling
Wala man lang bang mang-aaliw…
Hinahanop hanap kita
San ka ba napupunta
Kylan ba kita makikita
kylan ba kita nakakasama…
(repeat chorus 3x)
Hanggang sa natapos ko ung kanta… hindi pa rin sya tumatawag at habang papatapos na rin ung programang pinapanood ko, biglang nag-ring ang phone… “Hello? Manang psycho?” habang binabanggit ko ung katagang ito, na alam ko naman na sya na ung hinihintay ko, eh may halong tuwa saking mukha at ngiti saking mga mata (galing noh?)… wala lng kweto kwetohan achuchuchu… bla bla… chorva chenez… pero kahit ganun ung pag-uusap namin eh… malaking bagay na para sakin ung maka-usap ung isang tulad nya na mahalaga sa buhay ko…
Sa aming pag-uusap, na-open ung topic sa di naming pagkakaunawaan, mga bagay na hindi ko talaga sadyang maintindihan kung bakit ganto?, bakit ganyan… ang daming tanong na gumugulo sa isip ko kahit ung tanong na hindi dapat itanong at ung tanong na alam ko naman ung sagot (ang gulo talaga?)… sampung utak laban sa isang utak (wow kamusta naman un?) pero wala akong halong pagsisise kahit sinabi nya na “wala ka pala eh… sumuko ka na kasi wala sakin tumatagal”(wow naman ang sakit nun ah) at sinabihan din ako na bumitaw na ako mula sa pagkakakapit ko… eh pano ako bibitaw eh tineapan ko ung kamay ko at nilagyan ng mightybond sa buong paligid nito at nagbabalak pa akong mag lagay ng kadena at kandado. at pag-nasusian na eh lulunukin ko ung susi… (tindi noh? Hihih…)
Pero hindi natinag si manang psycho sige pa rin ng sige kahit masakit sakin tangap lang ng tangap… eh sa sobrang pikon na sya eh gusto nya ng ibaba ung phone dahil gusto nya daw makapag isip isip… sinubukan kong awayin na pero hindi ko talga kaya ung powers ni manang… at sinubukan ko rin mag-tigas tigasan ng ulo. Langya talo pa rin ang gago.. nga pala mas matigas ung ulo nya sakin platinum yata ulo nun eh hindi bakal (tindi!), at ayon na nga binaba na ni manang psycho ung phone at sa pag-baba nya nun… pansamantalang natahimik ako sa kwarto na tila ba kuliglig lang ung naririnig ko. Sinubukan kong matulog langya hindi ako makatulog… nag-iisip ako kung ano dapat kong gawin at kung ano dapat kong baguhin…
Lumabas ako ng kwarto kinuha ung laptop, binuksan, nagnakaw ng signal ng wifi at yon presto instant internet… at sa aking pagliliwaliw sa net aking naka-chat ung tropa kong si teadie beer tila ba nagyayayang puntahan si granma na matagal tagal na naming hindi nakasama at matagal tagal din saming nawalay “ano chong puntahan natin si granma I miss her so so so so much” sabi ko “tara nakakamis din pala si granma noh?” si granma kasi sa tuwing kasama namin sya eh pansamantala lang naman nawawala ang aming mga suliranin, problema, sarili,cellphone pitaka etc... sa sobrang saya ni granma eh tila ba limot mo lahat.
pero payo samin ng mga nakakatanda samin na wag masyadong magpapadala kay granma eh may pagka talkshit yan eh… pero ganun paman eh tuloy kami ni teadie beer na puntahan si granma sa bandang V-mapa at dun namin makikita si granma… at ayon na nga nakasama na namin sa granma at sa sobrang saya nagpagulong-gulong kami sa kalsada kasama ni granma at pansamantala kong nakalimutan mga sinabi ni manang psycho… at habang nakikipag tagisan kami ng lakas kay granma na hindi namin napatumba sa sobrang lakas nya na parang nag-gi gym araw araw “eh ayon talo hehe…” inabot na kami ng bukang liwayway at na isipan ko na kami ay umuwi na nawawala na kasi ung layaw ko kay granma eh kaya nagpasya na akong umuwi kasama si teadie beer na mukhang badtrip na badtrip kasi hindi nya alam kung ano idadahilan nya sa jowa nya hehehe (wawa naman nyahaha)…
At sa aking pag-uwi agad tumawag si manang psycho na para bang good mood ung gising na aking ikinatuwa hehehe syempre sino ba namang hindi matutuwa sa tawa ng abnoy kong psycho hehe…
ayon sabi nya “matulog ka na at magpahinga alam kong antok ka na at wala ka pang tulog geh na” sagot ko ”opo mahal kita eh”, at pag baba ko ng phone agad napawi at nawala ung mga pinagtaluhan namin nung isang araw at isinawalang bahala ko na lang, kunwari na lang na parang walang nangyari nung mga araw na un, at agad akong natulog ng mahimbing… ZZZZzzzzzzzz (-_-)
PS: hindi lahat ng problema eh naidadaan kay GRANMA… hayaan nyo muna na kayo mismo ang magpasya kung ano ung tama at kung ano ung dapat nyong gawin, pag-usapan ang mga bagay na hindi naunawaan, ipaintindi mo sa tao kahit tanga sya walang masama kung kau mismo ung nagtutulungan, palawakin ang inyong isipan at wag maging tanga sa sarili mong tinatapakan…
No comments:
Post a Comment