Siguro naman pansin nyo ung pagtaas ng mga bilihin at bayarin ngayon at nangunguna na dyan ay ang bill ng meralco na yan at ramdam nyo din na apektado tayong halat, kung hind ka apektado eh wala na akong pake-elam dun ,basta ako bwist na ako sa pagtaas ng bill ng kuryenteng yan, ni hindi na nga magkanda ugaga ung tita ko sa sobrang taas ng bill naming, hindi tuloy ako makahingi ng pera hehehe.
Kung sa bagay eh lahat na yata ay tumaas eh pati panty at bra yata hindi pinalagpas eh, pero sa pagtaas ng bilihin at mga bayarin, hindi natin maiiwasan na tayo rin mga kabataan ay na-aapektuhan, biruin mo sa atin pala pinapataw ung mga lugi nila sa kumpanya eh dapat sila ung umaksyon hindi ung satin binabawi ung mga nanakaw sa kanila tulad ng jumper ung mga nakaw na kuryente sa mga lugar na tago o dun sa mga taong makakapal ang mukha na nagnanakaw ng kuryente.
Ito ung mga kuntador ng kuryente na may jumper
biruin mo ung mga nakaw na ung eh sa bill pala natin napupunta at hindi nila pinuproblema un tayo ngayon ang namumublema… bakit ayaw ng meralco? na gumawa ng aksyon?, dun sa mga nagnanakaw ng kuryente, pati tayong mga sapat na nagbabayad ng buwin eh parang tayo pa ung talo.
Pano na ung mga taong walang kaya kundi sapat lang para sa pagkain nila pati sila damay sa mga unreasonable na sinasabi nila, eh hindi ba sila na-aawa sa mga tao, bakit ayaw nilang babaan ung bill ng kuryente eh kung tutuusin mas mayaman naman sila satin, mas may kaya sila satin eh hindi naman nila madadala ung ari-arian nila pag namatay sila…
Haynako… wala na bang iaasenso itong bansang to eh kahit saan mong sulok tignan eh puro kurakot na lang, ano ba ginagawa ng gubiyerno natin, petix?, eh sa panahon ngayon pera ang mas mahalaga, aminin man natin o hindi!. Kawawang juan dela cruz hindi na nakaahon sa putikan…
2 comments:
sa totoo lang hindi mahirap ang pinas.. hindi nag hihirap, walang nag hihirap. pag pumunta ka sa "squaters" naka aircon sila, may dvd at home theater system, may pera para mag mall at videoke ng pa lima limang piso.. sila nangunguna sa tapping ng meralco wires, pldt wires, cable line, at daya sa tubig.. sinong nagsabing nag hihirap ang pinas?! ahehehehe.. tae! ako ang babayad ng buwis ko..walang aircon!
la na ko nasabi. agree kay dang eh.
ultimo skwater may cellphone, de-kamera pa. ako nga hindi pa-colored eh! naman.
have a great day punkasar. :D
Post a Comment