Isang kasabihan ang minsan ay narinig ko sa radyo – “ SA TAGUMPAT NG ANAK ANG AMA ANG PINUPURI, NGUNIT KAPAG ANG ANAK AY NALIHIS NG LANDAS, ANG INA ANG SINISISI.” Ewan ko kung ito’y totoo. Ang tanging masasabi ko ay walang magulang, ina man o ama, na nagnaisa na maligaw ng landas ang kanyang anak. alam ng sinumang responsableng magulang na katungkulan nyang itaguyod ang kinabukasan ng kanyang anak.
Sa kabilang dako, ano man ang katungkulang ng anak sa kanyang magulang? Isang bagay, lamang, at ito at ang kanyang pinagkukunan ng buhay. Ang pagsunod sa kagustuhan ng magulang lalo’t ikabubuti naman ng anak ay isang uri ng paggalang.
Subalit dumarating ang pagkakataong nagkakaroon ng tunggalian (conflict) ang magulang at ang anak. nangyayari ito kapag nagsimulang maghigpit ang magulang, at kapag natutong sumuway ang anak. ang ugat ang tunggaliang ito ay makikita sa malabong o hindi maliwanag na hangganan ng katungkulan ng makabilang panig sa isai’t isa.
Halimbawa, sa pagnanasa ng magulang na makatapos ang anak sa pag-aaral ay hihigpitan nya ito.(tama! Hehehe) walang barkada,walang parties, outing etc… kapag babae ang anak babawalan itong tumanggap ng bwisita sa bahay (hanggang ngayon nangyayati ito). May magulang pang ni ayaw pasalihin sa anumang organisasyon ang anak nagging ito ay cool para sa anak (hehehe pa-cool).
Ang anak naman, sa paniniwalang hindi makatwiran ang paghihigpit ng magulang, ay natututong sumuway. Ang katwiran nya ay basta ba nag-aaral syang mabuti. Ngunit ang minsang pagsuway nasusundan, hanggang sa natutuhan na rin ng anak na maglihim kundi man magsinungaling. Darating ang panahong magpapaalam sya sa “mommy, may fieldtrip (kuno) kami” ang totoo ay sasama sya sa trip ng barkada (pa-cool nga nyahahaha).
Ang pagsuway naman ng anak ay hindi nangangahulugan ayaw lamang nyang igalang ang kanyang magulang. Ayaw lamang nyang maging parang robot (cop ba ito?) na sunud-sunuran na lang palagi, sa sinasabi ng anak maski wala ito sa lugar ganito ang kadalasang himutok ng anak: “sobro na eh, lahat na lang ng gawin ko, mali. Bakit pa nila ‘ko pag-aaralin kung di rin lang ako makakapag disisyon para sa sarili ko? (drama ito…).
Katwiran laban sa katwiran. Para sa magulang ang kanyang paghihigpit sa anak ay pagmamahal.para naman sa anak, ang paghihipit sa kanya ay pagsikil sa kanyang karapatan. Ito ang isang halimbawa ng magandang hangarin (sa panig ng magulang) na masama ang epekto (sa panig ng anak). ang dahilan nito, gaya ng nabanggit na sa una, ay nag-uugat sa di maliwanag ng hangganan ng katungkulan ng magulang sa anak, at ng anak sa magulang.
Ang magulang ay hinuhubog ng pnahon, at maraming karanasan (karanasan hehehe iba ang naiisip ko…). Higit nyang nalalaman ang mga pasikut-sikot , paikut-ikot at mga paliku-liko ng buhay. Alam nya kung saan kanto may nakaambang panganib, kung saang lubak may nakaumang na panganib. Kung saang lubak may nakaambang patibong (ang lalim…). Mahal ng bawat magulang ang kanyang anak kaya natural!, ayaw nya itong masuot sa pasikut-sikot , paikut-ikot at mga paliku-liko ng buhay na magdadala rito sa mga panganib at patibong. Ngunit ang pagpapakita ng magulang ng pagmamahal sa anak sa ganitong paraan ay sobra. Nagiging O.A. sila (nyahahaha overacting). Kaya ang pagpapaalala na syang nararapat nyang gawin ay nagiging pagbabawal. Bawal ang ganito,bawal ang ganon (bawal magtapon dito ng basura, bawal umihi dito nyahahaha MMDA) sa mahal na anak. hindi naman sa ganito. Lalabas sa walang sariling bait ang anak. ito ay sinasabi kong hangganan sa katungkulan ng isang magulang. Katungkulan nyang patnubayan ang anak sa landas na tinutungo nito,ngunit ang kontrolin ang lahat ng galaw nito ay naiibang bagay.
Kung sa bagay, hindi nasisisi kung minsan ang magulang kung sila man maging labis na istrikto. Sila iminulat sa isang kultura na totoong mahigpit ang pagpapasunod. Kaya sinasabi nilang noong sila ay bata ay nakukuha sila sa tingin (kaya makuha ka sa tingin). Ngunit dapat na maunawaan ng magulang na ang panahon ay nagbabago, at isang bagay na epektibo noonng una ay hindi na aprubado sa kasalukayan.
Sapagkat O.A. ang patakaran ng magulang,ang reaksyon ng anak ay sobra din. Kaya kung ano ang ipagbabawal ng magulang ay sya namang gagawin ang anak. ito ang magpapasama lalo sa sitwasyon. Natututong magrebelde ang anak.
Sa paninigarilyo, halimbawa, ibabawal ito ng ama sa anak na lalake gayong nakikita sya ng anak na naninigarilyo. Sa halip na sundin ng anak ay lalong gagawin ang ipinagbabawal ng ama. Ang kakulangan dito ng ama ay hindi nya ipinaliliwanag sa anak na saka na ito manigarilyo kung may wastong hanapbuhay na ito.
Ang isang anak na babae naman (wow chix hihihi), lalo’t may hitsura, ay hindi maiiwasang sundan ng mga boylets sa school, malalaman ito ng kanyang magulang at sya ay pagbabawalan ng kung ano ano. Subalit ano ang magagawa ng pobreng dalagita kung may nakabuntot sa kanyang pag-uwi, na mabuti namang makipag-usap? Sa halip na maging bastos sya ay papaya na syang ihatid, ngunit hindi sa bahay, kundi “hanggang kanto na lang” dahil kakagalitan sya. (wawa naman hihihi)
Totoo, may lehitimong dahilan para suwayin ng anak ang kanyang magulang.ngunit hindi dapat tularan ng isang anak na Pilipino ang kaugalian ng kanluran, lalo na sa AMERICA na sa pagtungtong ng anak sa edad na 18 ay Malaya na ito at hindi na mapapakialaman ng kayang magulang.
Ang pag-iral ng tunggalian sa alin mang puwersa ay bunga ng kawalan ng komunikayon. Hindi nalalaman ng dalawang magkasalungat na panig ang damdamin ng kabila. Ganito rin sa anak – magulang. Katungkulan ng magulng na magtatag ng isang medium o tapat para sa malayang pag-uusap o komunikasyon ng kanyang mag-anak. sapagkat kung maganda ang komunikasyon ng magulang at anak, hindi na sila darating sa sitwasyong kaylangang mahigpit ang una sa huli.
Katungkulan ng magulang na itaguyod ang kinabukasan ng kanyang anak. bahagi ng katungkulang ito ang pag-unawa ng magulang sa damdamin at sa pangangailangan ng anak. saya ng barkada, ang pagdalo sa mga kasiyahan, ang pagliligaw. Hindi ito maaring ihiwalay ng magulang sa anak. bahagi ito sa pag-unlad ng isang binatilyo o dalagita (it’s a part of growing up ika nga). Totoong may naka-umang na panganib sa pakikipagbarkada, ngunit maari itong maiwasan sa wastong pag-iingat. Sa halip na bawalan ang anak na makipagbarkada at sapat nang paalalahanan ito ng magulang. Dapat tandaan ng isang magulang na ang kayang anak ay may sariling isip. Alam nito ang masama at mabuti. Hindi nya na kaylangang itago sa pag-aalalang maaring magkasakit kapag “nadapuan ng langaw”
ANG MABUTING ANAK AY MARUNONG SUMUNOD SA WASTONG PANGARAL NG KANYANG MAGULANG… PERO KYLANGAN PARI NATIN IWASTO ANG SARILI SA TAMA AT WAG SA MALI…
HAPPY MOTHER’S DAY
Salamat khim sa idea…
No comments:
Post a Comment